Tuesday , November 5 2024

Selda ng 3 pork senators handa na — PNP (Walang VIP, malinis lang)

MAKARAAN maipakita sa media ang magandang custodial center sa loob ng Camp Crame na pagkukulungan sa mga akusado sa pork barrel fund scam, nanindigan ang Philippine National Police (PNP) na walang VIP treatment na mangyayari kahit pa maituturing na mga high profile ang mga akusado.

Ayon kay PNP spokeperson, Chief Supt. Reuben Sindac, bukod sa isang higaan, electric fan at malinis na comfort room, wala nang iba pang maaaring gamiting gadgets tulad ng cellphone, laptop, TV, ref at iba pa ang mga ikukustodiya sa naturang pasilidad.

Iginiit din ni Sindac na temporary detention facilities lamang ito na ang ibig sabihin ay gagawin lamang ang pagkustodiya sa mga akusado upang matiyak na walang aberyang mangyayari habang dinirinig ang kaso.

Kung tutuusin, hindi aniya trabaho ng PNP na magdetine ng high profile inmates ngunit tumatalima lamang sila sa utos ng korte bilang parte ng security measures na ipinatutupad.

Inilinaw rin ni Sindac na ang naturang magandang pasilidad ay nataon lamang sa kanilang camp development plan at gagawin sana itong officer’s quarter, ngunit sa biglaang pangyayari ay ginawa na lamang detention cell.

Ang custodial center ng PNP ay mayroong apat na kwarto na kayang mag-accommodate ng dalawa katao bawat kwarto.

Nahahati rin sa iba’t ibang sektor ng mga detainee ang naturang area na ang iba ay kulungan ng mga druglord, miyembro ng Abu Sayyaf, at iba pa.

Sinasabing kung ikukulong ang ilang senador sa nasabing lugar gaya nina Senators Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada at Bong Revilla, ayon kay Sindac, malamang may iba pang makasama ang tatlo sa naturang pasilidad.

About hataw tabloid

Check Also

Pasig City

Pasig City gov’t political officer bistadong lider ng ‘troll campaign’

PASIG City – Isang Universal Serial Bus  (USB) ang nagbisto sa sinabing ‘troll campaign’ operations …

Bicol Money

Sa pananalasa ng bagyong Kristine
SA P132-B PONDO PARA SA BICOL FLOOD CONTROL MAY DAPAT MANAGOT — IMEE

TINULIGSA ni Senadora Imee R. Marcos ang malalang pagbaha sa Bicol sa kabila ng P132 …

Rodrigo Duterte Bato dela Rosa

Kung may sapat na batayan
DUTERTE SAMPAHAN NG KASO, HAMON NI SEN. BATO DELA ROSA

HINAMON ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa ang nais magsampa ng kaso laban kay dating …

PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan …

arrest, posas, fingerprints

Pumugot sa sekyu sa QC timbog

NADAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang driver na pumugot sa security guard ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *