Tuesday , November 5 2024

Japok nadale ng ativan

SIMOT ang cash sa ATM cards at natangay ang mga kagamitan ng isang turistang Japanese national makaraan mabiktima ng pitong miyembro ng Ativan gang, kabilang ang limang babae sa Chinatown, Binondo, Maynila kamakalawa.

Nagreklamo sa tanggapan ng Manila Police District-General Assignment Section (MPD-GAS), ang biktimang si Tadashi Yoshitome, 36, tubong Kyoto, Japan, at nanunuluyan sa Room 4, Artina Suites Hotel sa 2863 E. Zobel St., Brgy. Poblacion, Makati City.

Sa imbestigasyon ni PO3 Jayjay Jacob, ng MPD-GAS, naganap ang insidente dakong 2 p.m. sa isang karaoke bar sa Binondo, Maynila.

Inilarawan ng biktima ang mga suspek na edad 60 at 20 anyos ang pinakabata.

“Namamasyal sa Binondo ‘yung victim nang lapitan ng pitong suspek, kinaibigan hanggang yayain sa karaoke bar, at saka pinainom, doon siguro nilagyan ng Ativan ‘yung alak at maya-maya ay nakaramdam na raw ng pagkahilo ‘yung victim,” ayon kay Jacob.

Nabatid na isinakay sa van ang biktima at kinuha ng mga suspek ang kanyang Linux camera, mamahaling  relo, credit card, Y30,000 cash, at nai-withdraw ang JY 57,260 sa kanyang ATM card, bago iniwan ang Japanese national malapit sa kanyang tinutuluyang hotel.

(LEONARD BASILIO)

About hataw tabloid

Check Also

Pasig City

Pasig City gov’t political officer bistadong lider ng ‘troll campaign’

PASIG City – Isang Universal Serial Bus  (USB) ang nagbisto sa sinabing ‘troll campaign’ operations …

Bicol Money

Sa pananalasa ng bagyong Kristine
SA P132-B PONDO PARA SA BICOL FLOOD CONTROL MAY DAPAT MANAGOT — IMEE

TINULIGSA ni Senadora Imee R. Marcos ang malalang pagbaha sa Bicol sa kabila ng P132 …

Rodrigo Duterte Bato dela Rosa

Kung may sapat na batayan
DUTERTE SAMPAHAN NG KASO, HAMON NI SEN. BATO DELA ROSA

HINAMON ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa ang nais magsampa ng kaso laban kay dating …

PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan …

arrest, posas, fingerprints

Pumugot sa sekyu sa QC timbog

NADAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang driver na pumugot sa security guard ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *