Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jackie, bininyagan ni Allen sa mga daring scene

 Vir Gonzales

SA grupong Starstruck, pinakaseksi looking si Jackie Rice. Maganda talaga at hindi produkto ng retoke. Mestisa talaga from Olonggapo City. Marami na ring teleserye at pelikulang nasamahan si Jackie kaya may pruweba na rin sa acting.

Kabang-kaba nga ang dalaga, kasi Joel Lamangan ba naman ang director niya sa Kamkam.

Mistulang bininyagan siya ni Allen Dizon sa pagganap ng daring scenes especially sa naturang movie. Knowing Allen, talaga namang kakabahan ka, kapag kaeksena na s’ya. Wala kasing peke-pekeng halik kay Allen.

Mabuti naman pasado ang dalaga sa direksyon ni Lamangan. Napansin nga ni Direk, may acting ang naturang Starstruck star! Isa pang nakaeksena ni Jackie sa daring scene ang newcomer na si Zerbie Zamora. Sa totoo lang, bagay sila ni Zerbie.

MOMMY DIVINE, NAKABANTAY PA RIN KINA SARAH AT MATTEO?

MASUWERTE si Matteo Guidecelli dahil panalo siya sa puso ni Sarah Geronimo.

Ang daming nanligaw sa dalaga, pero si Matteo lang yata ang nakapasa. It’s about time namang umibig na si Sarah dahil 27 na s’ya.

Pero teka, totoo kaya ang tsika, nakabantay pa rin daw si Mommy Divine kahit pumoporma ang binata sa anak?

Naku, parang ang hirap yata ng ganoon. Nakaka-conscious.

BARBIE, KAILANGANG MAGPAPAYAT PA

MUKHANG totoo ang tsismis, sina Barbie Forteza at Derrick Monasterio na ngayon.

Halata silang very sweet sa taping ng ng kanilang serye with Thea Tolentino. Nahalata na namin minsan ‘yon sa shooting ng Full moon sa Sta. Maria Bulakan.

Bagay kay Barbie ang role na api-apihan, kaya niyang dalhin kaya lang sana medyo magpapayat s’ya ng kaunti. Para magmukha siyang kawawa sa naturang teleserye.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …