Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tawag ng mga reperi magiging patas — Cristobal

IPINANGAKO ng bagong basketball commissioner ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) na si Arturo “Bai” Cristobal na magiging patas ang tawag ng mga reperi sa pagsisimula ng ika-90 season ng liga sa Hunyo 28 sa Mall of Asia Arena sa Pasay.

Papalitan ni Cristobal si Joe Lipa na naging komisyuner ng NCAA noong Season 89.

“I cannot promise perfect officiating. The only thing I can promise is fair play,” wika ni Cristobal sa press conference ng NCAA kahapon sa MOA Arena. “I want to ask your cooperation and understanding and let us work together as one with the organizers.”

Si Cristobal ay dating manlalaro ng Crispa, Shell at Presto sa PBA bago siya naging coach ng San Sebastian at Perpetual Help sa NCAA.

Naging miyembro rin siya ng technical committee ng liga noong isang taon.

“There will be no changes in the rules. If there will be, we will try to align them all with FIBA,” ani Cristobal.

Maghaharap ang defending champion San Beda College at ang host school na Jose Rizal University sa unang laro sa Hunyo 28 simula ala-una ng hapon pagkatapos ng opening ceremonies sa alas-12 ng tanghali.

Magbabanggaan naman ang Letran at San Sebastian sa ikalawang laro sa alas-tres.

“We Make History: Today’s Heroes, Tomorrow’s Legend” ang tema ng NCAA ngayong taong ito.

Mapapanood ang mga laro ng NCAA tuwing Lunes, Miyerkoles, Biyernes at Sabado sa TV5 at Aksyon TV 41.

(James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …