Sunday , March 8 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nagkagulo sa kasalan

Gud am po Sir,

Ngdrims ako na meron dw ikkasl peo ngkgulo ng my nglbas ng baril, un, un po ang drims ko, sana mabasa ko i2 s hataw, lheng tnks (09307523250)

To Lheng,

Ang panaginip ukol sa kasal ay maaaring nagsasaad ng hinggil sa commitment, harmony o transitions. Ito ay nagpapakita rin na ikaw ay sumasailalim (o sasailalim) sa isang mahalagang kabanata sa iyong buhay. Ang panaginip mo ay posibleng nagsasabi rin ng pagsasama ng mga aspeto ng iyong pagkatao na noon ay magkakasalungat. Tignan ang mga katangian ng taong napanaginipan mong magpapakasal dahil maaaring kailanganin mong isama sa iyong pagkatao ang mga karakteristik na ito.

Ang baril naman sa bungang-tulog ay simbolo ng aggression, anger, at ng potential danger. Maaaring may kaugnayan ito sa mga isyu o bagay ukol sa passiveness/aggressiveness at authority/dependence. Alternatively, ang baril ay maaari rin namang nagre-represent ng ari ng lalaki at ng male sexual drive. Kaya, ang baril sa panaginip ay maaring mangahulugan ng power o kaya naman, ng impotence, depende kung ang baril ay pumutok o nag-misfire. Kung ang binaril naman sa panaginip ay isang taong labis na kinaiinisan, ito ay may kaugnayan sa aggressive feelings at hidden anger tungkol sa taong nabanggit. Ito ay posible rin namang nagpapahayag na makakaranas ng ilang suliranin o komprontasyon sa iba. Maaaring makaramdam na ikaw ay nabibiktima o nabiktima sa ilang sitwasyon o pangyayari.

Señor H.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Brian Poe

Rep. Brian Poe: “Sa pagtaas ng presyo ng langis, kailangan ng agarang ginhawa para sa mga Filipino”

MANILA — Nagpahayag si Congressman Brian Poe ng kahandaan na suportahan ang pagbibigay ng limitadong …

Taguig NCCA Vista mall

Arts Festival 2026 inilunsad ng Taguig LGU sa Vista Mall

OPISYAL na binuksan ang Taguig Arts Festival 2026 nitong nakaraang Sabado, 28 Pebrero, sa pamamagitan …

Love Kryzl

Love Kryzl at mga kapatid ipinagdiwang musika, negosyo, at tagumpay

PINAGSAMA ni Love Kryzl at mga kapatid nito ang musika, negosyo, at pagpapahalaga sa pamilya sa isang …

SM Waste-Free Future WFF

Take small steps for big change: SM Waste-Free Future illustrates doable actions for a cleaner, greener planet.

MANILA, Philippines – Becoming part of the solution toward better waste management practices has been …

POLPHIL Ric Serrano Danilo Lim Elmer Argano

Provincial rate ibasura
Pantay na sahod para sa pantay na trabaho isabansa – POLPHIL

IPINAHAYAG ng People’s Progressive Humanist Liberal Party (POLPHIL) ang buo at walang pasubaling suporta sa …