Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lloydie, walang imposibleng pangarap!

 ni Roldan Castro

TARUSH naman nina  Angelica Panganiban at John Lloyd Cruz dahil may advance celebration na sila sa Phuket Thailand bago pa man sumapit ang birthday ni JLC sa June 24.

Kahit anong mga intriga ang pinagdaraanan nila at natsitsismis si Lloydie na may ibang nakaka-date umano, napatutunayan nila na matatag ang kanilang relasyon.

Sa Instagram Account ni Angelica may  caption siya habang magkasama sila  ni JLC.

Naglagay siya ng quotation ni  Izaak Walton. “Good company in a journey makes the way seem shorter”.

Sinundan niya ito ng, “Thank you  Idan for  a wonderful vacation. Sabi ko nga sa iyo sa yacht, hindi pumasok sa isip ko, o hindi ko pinangarap na makasakay ng private yacht, dahil alam kong imposible kaya ‘di  na ako nag-attempt mangarap ng malala pero nangyari siya. Tinutupad mo ang mga bagay na  hindi ko man lang sinubukang pangarap. Advance happy birthday labidad!! I lablab you!!!#ayphuket”

Ang sweet naman. May oras ang dalawa na magbakasyon dahil Banana Split: Extra Scoop at Banana Nite ang itine-taping ni Angel samantalang Home Sweetie Home naman tuwing Sabado si John Lloyd.

Hindi pa rin naman regular ang shooting niya  ng movie nila nina Gretchen Barretto, Jessy Mendiola, at Richard Gomez kaya  may time pa silang gumala.

Talbog!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …