LIBO-LIBONG siklista, na ang karamihan ay nakahubad, ang dumagsa sa mga lansangan ng Portland, Oregon para sa ika-11 annual World Naked Bike Ride para iprotesta ang pagsulong ng bike riding bilang alternatibo sa paggamit ng kotse.
Nagbatingting ng mga kampanilya ang mga hubad na siklista na may mga ilaw sa gulong ng kanilang mga bisikleta habang binabagtas ang pangunahing mga kalsadang pinilahan din ng libo-libong mga tagasuporta at manonood.
“Ito’y isang party, subalit protesta rin,” ani Carl Larson, isa sa tagapagsalita ng event. “Ito’y tungkol din sa pagdedepende sa langis, ang vulnerability sa pagbibisikleta at imahe ng katawan.”
Naglitawan ang mga siklista sa Normandale Park isang oras bago ang taunang ‘bike ride’, at doon na nagsipaghubad ng kani-kanilang damit na suot batay na rin sa ride theme na “As Bare As You Dare.”
Ang end ay isinasagawa sa mahigit 75 lungsod sa Estados Unidos at mahigit din sa 20 bansa, pero pinaniniwalaang ang ginaganap sa Portland ang pinakamalaki ang bilang ng kalahok na may 8,000 participants nitong nakaraang taon.
Kinalap ni Tracy Cabrera