Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ejay, hamonado pa rin daw umarte kaya wala pa ring project?

ni Rommel Placente

WALA pa kaming naririnig na magkakaroon ng bagong serye sa ABS-CBN 2 si Ejay Falcon. Ang huling serye na ginawa niya sa Kapamilya Network ay yung Dugong Buhay na ipinalabas noong nakaraang taon pa.

Bakit kaya hindi pa binibigyan ulit ng serye si Ejay? Hindi kaya ang dahilan hanggang ngayon ay dahil hindi pa rin siya marunong umarte?

Sa Dugong Buhay ay maraming dramatic scenes doon si Ejay pero hindi naman lumutang ang kanyang pagganap. Sa mga eksena niya with Arjo Atayde na gumanap bilang kapatid ay nilamon lang siya nito sa pag-arte.

Bakit kaya hanggang ngayon ay  hamonadong aktor pa rin si Ejay kahit pa medyo matagal na rin siya sa showbiz?

Ang pagkakaalam naming, nag-acting workshop siya pero mukhang wala naman siyang natutuhan. Ang dapat siguro niyang gawin ay mag-acting workshop ulit siya. Baka this time ay humusay na siyang aktor. ‘Di ba Benjie Paras?

JERIC, ETSAPUWERA NA KAY THEA

MAY bagong serye si Thea Tolentino  sa GMA 7, pero hindi ang ka-loveteam niyang si Jeric Gonzales ang kapareha niya kundi si Andrei Paras. Okey lang naman sa una kung hindi siya isinama ng GMA 7 sa nasabing serye.

“Siyempre hangga’t maaari gusto kong katrabaho si Thea dahil loveteam kami. But I respect the decision of GMA 7 kung hindi man nila ako isinama. Ang pagkakaalam ko may gagawin akong ibang serye sa kanila,” sabi ni Jeric.

Ayaw pa lang banggitin ng guwapong aktor kung ano ang title ng upcoming series niya sa Kapuso Network.

“Hindi pa kasi ako nakakapag-taping para roon. Siguro kapag tuloy na tuloy na, ‘yung nakapag-taping na ako saka ko na lang sasabihin kung ano ‘yun,” aniya pa.

Sa ngayon habang wala pang serye ay busy muna si Jeric sa shoot ng Hustisya na gumaganap siya rito bilang isang adik na apo ni Nora Aunor, ang bida sa pelikula.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …