Sunday , November 17 2024

Diary ng Pogi (Just Call me Lucky 2) (Part 4)

GOOD RIDDANCE NA BA SI ZAYRA?

Hindi ko na iniasa pa kay ermat ang paghuhugas sa mga kasangkapan na ginamit ko sa pagkain. May kusang palo naman talaga ako sa pagganap ng maliliit na gawaing-bahay. Pati pagwa-washing sa jeep na ipinamamasada ni erpat ay inako ko rin. Sa mga araw lang naman ‘yun ng Linggo at pista-opisyal na wala akong pasok sa eskwela. Kaya nga lagi akong good shot sa kanilang dalawa.

Makaraang malinis ko ang pampasaherong jeep ni erpat ay naligo muna ako. Preskong-presko akong naupo sa harap ng computer sa pagbubukas ng aking FB account. Pinili ko ang pangalan ni Zayra sa mga chatbox. Nag-PM ako sa kanya. “Musta?” ang pasimula ko sa pakikipag-chat. Sagot niya: “Ok aq. Ikw?” Ang nai-type kong sagot sa kanya ay “K lang khit di u sumipot knina.” Reply agad niya: “Dumating me dun.”

Binanggit sa akin ni Zayra na siya ay naka-pulang t-shirt, nakaputing shorts at nakapulang rubber shoes. Lumalabas na talagang siya pala ‘yung chickabaes na napansin ko sa loob ng fastfood. Nasabi rin niya kung ano ang kulay ng suot kong polo-shirt , height ko, at pati na ayos ng aking buhok na nangingintab daw sa gel. At saka siya tumawa ng “je, je, je” sa pakikipag-chat sa akin. Hindi ko naman itinanong pero sinabing ang type daw niyang kelotski ay ‘yung katili-tili ang kagwapuhan at ‘di bababa sa 5’ 5” ang height. S’yempre’y napa-aray ako.

Marahil ay sadya niyang iniba ang kulay ng kanyang mga kasuotan upang hindi ko siya makilala sa aming pagkikita. Parang kinilatis muna niya ang pagkatao ko, kung mayroon ba akong karat o wala. Aba, basta’t sa paniniwala ko ay pogi ako. Period. Kaya I won’t care kahit i-unfriend man niya ako sa FB.

Teacher’s Pet

Throwback: Noong fourth year high school ako ay hirap ako sa Trigonometry. Mistulang Achilles heels ko ang subject na ito para sa pagtanggap ng diploma sa araw ng graduation. Magaling naman ang titser namin na si Miss Apuy-on. Patunay ang pag-graduate niya sa kolehiyo ng cum laude sa isang exclusive school. Malinaw siyang magpaliwang. At nasa kanya pa ang passion sa pagtuturo. Tingin ko’y nasa akin ang problema kaya nangamote ako noon sa klase niya. Kundi kasi ako inaantok, madalas ay naglalakwatsa ang aking isip sa labas ng aming classroom.

(Itutuloy)

ni Rey Atalia

About hataw tabloid

Check Also

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

‘Papak ng lamok’ sa Dengue season pinahina ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Krystall herbal products

OFW tuwang-tuwa sa mga pabaon na produktong Krystall ng FGO

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sister Fely Guy Ong, Ako po ay …

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

Dr. Teresita A. Tabaog, Regional Director of the Department of Science and Technology Region 1 …

Hotel Sogo NCIP MOU Signing

Hotel Sogo and NCIP Forge Partnership to Support Indigenous Communities

A Memorandum of Understanding (MOU) was signed between the Hotel Sogo and National Commission on …

NIVEA South Korea

Nivea’s 10 out of 10 care celebration continues, empowering you to embrace your glow

NIVEA, your trusted skin care partner, recently marked a significant milestone in its commitment to …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *