NAKAAALARMA uli ang balitang tumaas na naman an presyo ng mga pangunahing bilihin partikular na ang commercial rice. Hindi biro ang itinaas na naman ng presyo ng bigas dahil hindi lang singkuwenta sentimos ang itinaas bawat isang kilo kundi umaabot hanggang dalawang piso.
Maging ang dalawang pangunahing sangkap sa pagluto lalo na ang bawang ay sobrang taas na rin sa bawat kilo – P270 hanggang P300 na, habang ang sibuyas ay tumaas na rin nang kaunti at inaasahang tataas pa muli.
Pangunahing dahilan daw ng pagtaas ng presyo ay dahil tapos na ang anihan. Hindi naman mga magsasaka ang nakikitang dahilan ng pagtaas ng presyo ng mga nabanggit kundi ang malalaking negosyante na namakyaw ng produkto sa kasagsagan ng anihan.
Hayun, itinatago raw ng mga mapagsamantalang negosyante ang mga produktong kanilang pinakyaw para makontrol nila ang presyo ng mga produkto.
Hoarding kumbaga ang ginagawa ng malalaking negosyante sa kabila nang hindi lingid sa kanilang kaalaman na bawat pagtatago ng mga nasabing produkto.
Pero bakit sa kabila na mayroong ipinaiiral na batas, patuloy pa rin ang gawain ng malalaking negosyante – gawaing pagtatago ng mga pangunahing bilihin o pangngailangan?
Oo nga may Department of Trade and Industry (DTI) tayo na magbabantay sa presyo ng mga bilihin at magbabantay laban sa mga negosyanteng nagtatago ng kalakal pero bakit hindi sila natatakot sa gawain at sa halip ay patuloy sila sa paglabag sa batas?
Paano kasi pulos hanggang dada ang DTI. Kulang sa gawa – pulos na lang warning dito at warning doon. Hanggang ngayon nga ay wala pa tayong nababalitaan na nakulong sa pagtatago (hoarding) ng mga kalakal kaya, dahil sa kabungian ng DTI, mga konsyumer ang kawawa.
Heto naman gobyerno natin, masasabing maganda ang ginagawang paghahabol nila sa mga corrupt pero, tila nakalilimutan na nila ang totoong trabaho nila na para sa bayan.
Nakasentro na lang ang Palasyo sa kanilang kalaban sa politika – sa pagpapakulong sa kanila dahil mga magnanakaw daw sila. Iyon nga lang ba ang tunay na dahilan o dahil malakas ang kalaban para sa taong 2016.
Hindi naman natin sinasabing mali ang paghahabol sa mga inaakusahang magnanakaw sa kaban ng bayan pero sana man lang ay balansehin ng Palasyo ang lahat. Hindi iyong nakasentro na lamang sila para sa prepasyon ng kanilang partido para sa 2016. At hindi iyong pulos vendetta na lang ang laging iintindihin.
Teka ano nga ba ang kinakatakutan ng Palasyo sa 2016? Ang matalo ang kanilang ilalaban sa presidential? Kapag natalo ay baka may taga-Palasyo na susunod din kay dating PGMA?
VK ni GINA sa Maynila,
tuloy dahil sa NBI?
Patuloy na namamayagpag ang operasyon ng video karera ni alyas GINA sa buong Maynila. Bakit? Simple lang ang dahilan niya. Bukod kasi sa nagbibigay siya ng linggohang ‘parating’ sa Manila Police District (MPD), National Capital Regional Police Office (NCRPO), ipinagyayabang ng kampo ni GINA na hawak din nila sa leeg ang National Bureau ang Investigation (NBI) na luminya na rin sa pangongolekta ng intel sa mga pasugalan.
Chaparal sa Kyusi,
‘naghihimala?’
Humahaba ang pila ng mga pumapasok sa Chaparal (bahay aliwan) sa Quezon Avenue, Quezon City. Ha! Ano ang mayroon at humahaba ang pila rito pagkabukas na pagkabulas pagsapit ng dilim?
Ano rin ang binabalik-balikan ng mga parokyano nilang mga kalalakihan dito?
Heto raw ang binabalikan. May nangyayaring himala sa loob ng mga VIP room. Himalang paborito ng mga parokyano nilang kalalakihan na karamihan ay may asawa na.
Anong klaseng ‘himala’ kaya ang nagaganap sa VIP rooms ng Chaparal?
Abangan!
***
Para sa inyong sumbong, komento, suhestiyon at panig, magtext lang sa 09194212599.
Almar Danguilan