Aanhin mo ang marangyang kama na yari sa Narra, kung hindi ka naman masaya sa iyong kasama.
Mabuti pang mahiga sa damo, kung kasama mo’y magaling kumabayo … Uumm Sarrapp!
***
Praying for 10 Pesos
Sa loob ng simbahan ng Quiapo, isang batang pulubi ang mataimtim na nanalangin sa Diyos.
Pulubi: “Panginoon kung maaari po sana ay bigyan ninyo ako ng sampung piso dahil gutom na gutom na po ako.”
Narinig siya ng isang pulis na kasalukuyan din nagsisimba at bumilib siya sa katatagan ng bata sa pananampalataya sa Diyos. Sa kanyang habag ay dumukot sya ng limang piso at iniabot sa bata na ang sabi: “Amang, nari-nig ng Diyos ang panalangin mo at heto tanggapin mo ang perang ito at ibili mo ng pagkain.”
Tumingala ang bata sa pulis, kinuha n’ya ang limang pisong iniabot at muling yumuko para manalangin: “Panginoon, salamat po sa pagdinig ninyo sa aking panalangin, pero sana naman po sa uli-uli ‘wag na ninyong pararaanin pa sa pulis, kasi malaki na ang bawas.”