INIHAYAG ng Malacañang na hindi nila hahayaang tumigil sa pag-aaral ang mga scholar dahil lamang ibinasura ang Priority Development Assistance Fund (PDAF) na dating sumusuporta sa pag-aaral ng mga estudyante.
“We want the scholars to continue studying. We don’t want them to go astray,” pahayag ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr.
Aniya, naghahanap na ang Commission on Higher Education (CHED) ng alternative programs na makatutulong sa mga estudyante.
“This is also why we have state colleges and universities to take them in,” aniya.
Ibinasura kamakailan ng Supreme Court ang PDAF dahil sa pagiging unconstitutional at ibinasura na rin ng Kongreso ang pagbuhay sa PDAF sa 2015 budget.
Gayunman, patuloy ang reklamo ng mga militante sa maliit na budget para sa edukasyon.