NAKOMPISKA ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-10) ang tinatayang P2.3 milyon halaga ng shabu sa magkakasunod na operasyon sa magkakaibang lugar sa Hilagang Mindanao.
Nasabat ng mga operatiba ng PDEA-10 ang may 176 gramo ng shabu nang maaresto ang apat na suspected drug couriers.
Sa ulat ni PDEA deputy regional director Rayford Yap, unang naaresto ang drug pusher na sina Jay-R Fajardo, 23, at Amando Diaz, 42. Nakuha sa kanila ang mahigit 50 gramo ng shabu na may halagang P350,000 sa Barangay Gusa.
May 26 gramo rin ng shabu ang nakuha mula sa isang buy bust operation na ikinaaresto ng isang Ali Macaaangcos sa Barangay Barra, Opol, Misamis Oriental.
Sa isang Ben Bonsalagan, taga-Marawi City, umabot sa 100 gramo ng shabu ang nakuha sa isang entrapment operation sa labas ng mall sa Cagayan de Oro City.
Higit sa P1 milyong halaga ng shabu ang nabawi ng PDEA operatives mula sa mga drug pusher ng Gingoog City, Misamis Oriental.