ni Alex Datu
IGINIIT ni Richard Poon na walang baog sa kanila ni Maricar Reyes dahil alam nilang fertile silang dalawa. Katunayan, regular ang kanilang pagsisiping.
Pabirong sinabi ni Richard na mayroon silang teknik para maiwasang hindi mabuntis ang aktres. Kahiyaan man, ayaw nitong aminin na withdrawal method ang kanilang ginagamit kaya, kaysa magkompirma, ngumiti lamang ito na lalong nagpasingkit sa kanyang mga mata.
Sa isang charity show sa Teatrino Theater naming nakausap ang magaling na crooner at inaming, ”Gusto muna namin, kami muna at saka na ang pagkakaroon ng baby. Madali lang ‘yan. Masaya kami at sobrang nag-eenjoy. Madali sa amin ang mag-travel na walang inaasikaso kundi kami lang dalawa. But hopefully, next year, oo nga pala, magwa-one year na kami, nakaplano na ang paggawa ng baby,” pahayag nito at bilang karagdagan, baby boy man o girl ang kanilang unang baby ay tanggap nila ito, ang importante, healthy ito.
Samantala, nakausap namin si Maricar sa nakaraang grand presscon ng Sana Bukas Pa Ang Kahapon at halos magkatulad ang tinuran nito sa naging pahayag ng asawang mang-aawit. Inamin nitong lalong napamahal sa kanya ang asawa dahil matiyaga ito at sobrang naiintindihan ang propesyong pinasok niya kahit by profession ay isa itong medical practitioner. Hinihintay siya ni Richard sa pag-uwi mula sa taping para sabay silang mag-dinner o kung magdamagan ang trabaho, magkasabay silang mag-breakfast.
Sa pinakahuling handog ng Dreamscape Entertainment, ang Sana Bukas Pa Ang Kahapon na bida si Bea Alonzo ay isa namang mapaghamong karakter ang gagampanan ni Maricar bilang kontrabida.
No doubt, magaling itong aktres kahit baguhan base sa kanyang mga nagawang teleserye. Maliban kay Bea, kasama rin sa power cast sina Susan Roces, Paulo Avelino, Dina Bonnevie, Albert Martinez, Tonton Gutierrez, at Eddie Garcia.