Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Diary ng Pogi (Just Call me Lucky 2) (Part 3)

TSPATER ANG UNANG MEETING NI ‘POGI’ KAY ZAYRA NA NAROON PERO ‘DI LUMAPIT SA KANYA

Kahit malamig ang buga ng aircon sa lugar na kinaroroonan ko ay pinagpapawisan ako sa noo. Halos pasahe na lang sa pag-uwi ang nasa aking bulsa. Hindi ako pwedeng maging galante sa araw na ‘yun. Hindi ko maaalok ng kahit ano si Sayra.

“D2 na me. Nka-blue t-shirt aq, white short at blue rubber shoes. ‘Kaw, anu suot u?” text ni Zayra sa akin. Itinext ko sa kanya ang diskripsiyon ng mga kasuotan ko. “K” lang ang huling reply na natanggap ko sa kanya. Hindi na uli siya nag-text sa akin. At kahit tawagan ko pa ay hindi naman niya sinasagot.

Nagpaikot-ikot ang ulo ko sa loob ng fastfood. Lahat ng babae na naka-t-shirt na kulay blue ay isa-isa kong pinagmasdan. May mga nakakulay blue na pang-itaas pero hindi naman nakaputing shorts at naka-blue rubber shoes. At malayong kamukha ni Zayra sa larawan na naka-post sa FB niya. Sa pangalawang mesa mula sa kinaroroonan ko ay may chickababes na kamukhang-kamukha niya. Pero pula ang suot na t-shirt at naka-rubber shoes na pula rin. At nahuli kong panay ang sulyap sa akin.

Inubos lang ng chickababes ang iniinom na juice at lumabas na agad ng fastfood. Hanep ang tindig niya sa height na tinantiya kong nasa 5’5” o 5’ 6.” Agaw-pansin ang kanyang naglulumiyad na mga boobs. At pasadong-pasado sa akin ang taglay niyang byuti. Sayang at hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na kilalanin siya.

Umuwi ako na mistulang lantang kulangot na nilapirot muna ng nangulangot at saka idinikit sa ilalim ng silya. Pagkakain ng pananghalian ay binirahan ko ng tulog. Nagbawi ako ng na-discharge na energy sa kainip-inip na pagbibiyahe at pagkapuyat kagabi. Nagising ako dakong alas-7 ng gabi dahil sa pagkalam ng aking tiyan.

Tapos nang maghapunan sina ermat at erpat kaya mag-isa akong tsumibug sa komedor. Oras ‘yun sa pagharap ni ermat sa mga butintinging gawain, gaya ng pagtutupi at panunulsi sa mga damit na may punit at pagsasaayos niyon sa aparador at hangeran. Nakatutok naman si erpat sa TV sa panonood ng balita habang kinakalikot ng pusher ang dumi o grasa na dumikit sa gilid-gilid ng mga daliri niya sa kamay at paa.

(Itutuloy)

ni Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Casino Plus One Million for Every Hero FEAT

Casino Plus Empowers Users to Support Real-Life Heroes with Each Daily Login
One Million for Every Hero

Casino Plus is bringing the Christmas spirit of giving into the digital space with the …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …