Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Cedric, nangotong din kay Hayden?

ni Ronnie Carrasco III

MULING nagbabalik ang multo ng nakaraan.

Taong 2008 nang magkaroon ng Senate inquiry tungkol sa sex video scandal ni Katrina Halili as perpetrated by Hayden Kho. Of Hayden’s victims (unaware that their sexual acts were being videotaped), tanging si Katrina lang ang naglakas ng loob na lumutang at magreklamo.

Of late, muli na namang naungkat ang usapin, connecting it to businessman Cedric Leena nasa likod umano ng extortion kay Hayden kapalit ng ‘di nito pag-expose ng naturang video material.

Tulad ng alam ng marami, Hayden had a reputation to protect at that time. Bukod sa nobya niyang si Dra. Vicki Belo na walang kaalam-alam sa kanyang mga kalokohan, Hayden was up to seeing his medical license revoked.

Na siyang nangyari.

Sa pagtestigo ni Hayden, nai-record sa kanyang sinumpaang salaysay kung paanong may tumawag umano sa kanya specifically names like Cedric and Eric na humihingi ng P4-M kapalit ng ‘di nila pagsasapubliko ng pakikipagniig niya (Hayden) kay Katrina.

Kung totoo ngang si Cedric Lee at wala nang iba pa ang taong tinutukoy ni Hayden, then this would have a significant bearing on the same extortion charge filed by Vhong Navarro against Cedric and his cohorts.

Nauna nang itinanggi ni Cedric na malabo raw siya at ang kanyang grupo na masangkot sa pangongotong dahil may mga kaya sila sa buhay.

Back to Hayden’s namedropping, sa mga hindi nakaaalam, sina Cedric at Eric ay magpinsang buo. Eric is surnamed Cua na siyang middle name ni Cedric. Hindi na bago ang reference sa mga pangalan nina Cedric at Eric as they were also tagged in the case filed by the former’s business partner-athlete David Bunevacz.

Kung magkakaroon ng progreso ang luma nang isyu ng extortion involving Hayden, isa na namang legal hurdle ito na kailangang malampasan ni Cedric na hanggang leeg na ang mga patong-patong na kasong kinakaharap: from the non-bailable serious illegal detention to tax evasion, and here comes an old issue made to look like new like an old pair of shoes given a gleaming polish para magmukhang bago.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …