ni Ronnie Carrasco III
WALA namang Year of the Lion sa Chinese astrology, right? But the King of the Jungle takes the spotlight.
May temang leon ang binyag ni Baby Zion, ang anak nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati.
Sa nakaraang privilege speech ni Senator Bong Revilla, papuri niya sa kanyang kapwa artista at mambabatas na si Senator Lito Lapid, “Kaibigang Lito, ikaw ang Leon Guerrero ng masang Filipino. Bida ka talaga ng masa.”
At siyempre, bida rin si Joey de Leon. Alam n’yo ba na ang nagte-trending na search for ‘Suffer Sireyna’ (spin-off ng Super Sireyna) sa Eat Bulaga ay mula sa malikhaing henyo ng aming paboritong Tito Joey sa Startalk?