Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sex video muling itinanggi ni De Lima

DIRETSAHANG itinanggi ni Justice Sec. Leila de Lima kahapon na siya ay may sex video at pinabulaanan din ang iba pang personal na pag-atake sa kanyang pagkatao.

Tahasan niyang sinabi na walang ganoong sex video at kung meron man, malamang peke ito.

Ayon kay De Lima, labis siyang nasasaktan at na-offend sa aniya’y ‘foul’ na paratang dahil paglapastangan ito sa kanyang dignidad bilang tao at babae.

Ayaw na aniya niyang pag-usapan at nakahihiyang patulan pa dahil walang katotohanan.

Maituturing aniyang krimen ang pagpapakalat ng ganitong malisyosong impormasyon ngunit wala na siyang balak magsampa ng kaso sa may pakana nito.

Magugunitang nagbanta si Sandra Cam na ilalabas ang sex video ni De Lima kapag nakompirma ang kalihim ng Commission on Appointments (CA).

Nakompirma si De Lima sa CA kamakailan ngunit walang lumabas na sex video at sinasabing nagka-ayos na rin sina De Lima at Cam na humaharang sa kanyang kompirmasyon.

Nilinaw din ni De Lima na wala siyang galit at walang kinikimkim na sama ng loob kay Cam na kapwa niya Bicolana.

“Para sa akin foul. Ang sinasabing sex video na ‘yan, wala ‘yan, wala. Hindi ko po alam kung saan ‘yang sinasabing sex video na ‘yan. Kung meron man ho ‘yan, malamang fake po ‘yan. Pero ayaw ko pong patulan ang mga ‘yan. It’s really foul. Babae po ako… I’m very sensitive about my dignity as a human being and as a human,” ani De Lima.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia

Goitia: Gawang-Pilipinas na COBRA System, Hudyat ng Bagong Yugto sa Pambansang Depensa

Ang pag-turn over ng gawang-Pilipinas na Controller Operated Battle Ready Armament (COBRA) automated weapon system …

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …

Money Bagman

AICS ng DSWD ‘kinupitan’ 14 barangay execs sinampahan ng kaso

NAGHAIN ng reklamo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the …

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

Aleah Finnegan SEAG

Finnegan nasungkit ang pangalawang ginto sa SEA Games

BANGKOK — Muling pinatunayan ni Paris Olympian Aleah Finnegan na siya ang pinakamakinang na bituin …