Monday , December 23 2024

Aresto vs 3 Pork Senators tiniyak ni De Lima

KOMPIYANSA si Justice Sec. Leila de Lima na uusad ang mga kasong naisampa sa Sandiganbayan kaugnay sa pork barrel scam.

Aniya, umaasa silang tulad ng Office of the Ombudsman, makikita rin ng Sandiganbayan ang probable cause sa plunder at graft charges na naisampa laban sa ilang senador, kongresista at agents na kasabwat ni Janet Lim-Napoles.

Ayon kay De Lima, maingat at mabusisi ang pagkakasalansan ng mga naisampang kaso dahil tulad ng atas ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III, hindi sila dapat maghain ng malabnaw o mahihinang kaso na walang ebidensya.

Kasabay nito, inulit din ni De Lima ang pagtangging ‘selective justice’ ang ipinaiiral sa pork barrel scam probe.

Reaksyon ito sa paratang nina Sens. Jinggoy Estrada at Bong Revilla na pinili silang tatlo nina Enrile para kasuhan habang marami pang iba ang nadadawit sa Commission on Audit (CoA) special audit sa 2007-2009.

Iginiit ni De Lima, malabong piliin nila ang mga kakasuhan dahil ebidensiya ang nagturo sa kanila at silang tatlo ang mga pinakamalinaw na may kaugnayan sa pork barrel scam.

HATAW News Team

3 PORK SENATORS ‘DI IPAHIHIYA NG PNP

TINIYAK mismo ni Interior Sec. Mar Roxas na hindi ipahihiya at hindi rin bibigyan ng special treatment ang mga akusado sa pork barrel scam.

Ito’y makaraan mai-raffle sa Sandiganbayan ang plunder charges laban kina Sen. Juan Ponce-Enrile, Jinggoy Estrada at Bong Revila.

Sinabi ni Roxas, aasahan ang propesyonal na pagtrato ng PNP kaugnay sa ilalabas na warrant of arrest ng korte.

Ayon kay Roxas, hindi ito panahon para ipahiya o tanggalan ng dignidad ang akusado at susunod lamang ang PNP sa atas ng Sandiganbayan.

Nakasalalay aniya sa pagkilos ng PNP ang kredibilidad ng institusyon.

IKUKULONG SA CRAME OFF GADGETS — PNP

TINIYAK ng Philippine National Police (PNP) na kapag nakulong sa PNP Custodial Center, Camp Crame ang mga senador na sangkot sa PDAF scam ay mahigpit nilang ipagbabawal ang paggamit ng gadgets.

Ayon kay Chief Supt. Reuben Theodore Sindac, tagapagsalita ng PNP, mahigpit nilang ipagbabawal sa bilangguan ang lahat ng uri ng gadgets gaya ng laptop, cellular phones, iPads at iba pa.

Ito ang tiniyak ni Sindac makaraan i-raffle ng Sandiganbayan ang kaso kontra kina Senators Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada at Bong Revilla.

Gayon man, hindi aniya apektado ang trabaho ng mga senador dahil malaya pa rin sila sa kanilang legislative works gaya nang paggawa ng panukalang batas, paglagda ng mga dokumento at pakikipagkita sa kanilang staff.

Sa ngayon, hinihintay ng PNP – Criminal Investigation and Detection Group ang ilalabas na warrant of arrest galing sa anti-graft court laban sa tatlong akusadong senador para sa pag-aresto sa kanila.

ENRILE HUMILING MAGPIYANSA

IPINAUUBAYA ng Malacañang sa Sandiganbayan ang pagdetermina kung may merito ang petiyon ni Sen. Juan Ponce-Enrile na payagan siyang makapagpiyansa sa kinakaharap na plunder case kaugnay sa pork barrel scam.

Magugunitang hindi pa man naglalabas ng resolusyon ang Sandiganbayan makaraan mai-raffle ang kanilang mga kaso, agad humirit si Enrile para payagang makapagpiyansa kahit ‘non-bailable’ ang kaso upang hindi makulong.

Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, kasama ito sa factors na ikokonsidera ng dibisyong didinig sa mga kaso.

Ayon kay Valte, bahala ang korte na pag-aralan kung pagbibigyan ang hirit ni Enrile dahil sa edad at kalagayan ng kalusugan.

“That will be… Those factors… It will be up to the division hearing his case on how to consider the factors that he has raised mainly based on his age and on his health,” ani Valte.

Samantala, naghain na ang kampo ni Senador Juan Ponce Enrile kahapon ng entry of appearance sa Sandiganbayan, kaugnay sa kasong plunder na isinampa sa kanya hinggil sa P10-billion pork barrel scam.

Inihatid ng mensahero ang entry of appearance sa record division ng graft court dakong hapon kahapon.

Opisyal nang inihayag ng kampo ni Ernile na siya ay irerepresenta ng Ponce Enrile Reyes and Manalastas Office, law firm ng senador.

Sinabi ng Sandiganbayan clerk, ang mga dokumento ay agad nang dinala sa clerk of court ng ikatlong dibisyon ng korte, na hahawak sa kaso laban kay Enrile.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *