Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Yen, Trina, at Kiray, nasira ang friendship dahil sa pagbubuntis ng isa

ni Pilar mateo

NGAYONG Sabado, June 14 istorya ng magkakaibigan naman ang ihahatid sa atin ng episode ng award-winning and longest-running drama anthology in Asia na MMK (Maalaala Mo Ako) na tatampukan nina Yen Santos, Trina Legaspi, at Kiray Celis.

Mula ito sa direksiyon ni Nuel Naval, mula sa iskrip nina Benson Logronio at Arah Jell Badayos at saliksik din ni Benson.

Tinawag ng tatlong magkakaibigan ang samahan nilang “Shekajoy Angels” mula sa kanilang mga pangalang Kay, Reshee, at Joy. Na kahit may sari-saring personalidad, tiniyak naman na susunod sila sa rules ng kanilang friendship hanggang makatapos sila ng pag-aaral.

Pero masisira ang bond ng nasabing friendship nang ang isa sa kanila eh, magdalantao na no-no sa samahan nila.

Ito na kaya ang maging dahilan para maging “friendship over” na ang lahat sa kanila?

Sasamahan sila sa cast nina Maritez Samson, Minnie Aguilar, Khaycee Aboloc, Justin Gonzales, Cheska Billones, at Paolo Angeles.

Salaminin ang buhay sa piling ng mga kaibigan!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Vilma Santos Mikee Morada Alex Gonzaga

Gov Vilma na-miss ng mga taga-Lipa; Alex at Mikee sinusubukan pa ring makabuo ng baby

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SAYANG at hindi nakadalo ng misa sa San Sebastian Cathedral sa …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …