Monday , December 23 2024

Van sumalpok sa footbridge, 2 pahinante tigok (Driver lasing)

PATAY ang dalawang pahinante nang sumalpok ang delivery van na minamaneho ng lasing na driver sa paanan ng footbridge sa EDSA-Quezon Avenue, Quezon City kahapon ng madaling araw.

Sa ulat ni SPO4 Raymundo Layug, hepe ng Quezon City Police Traffic Sector 1, kinilala ang mga namatay na sina Bener Bagungol, 30, may-asawa ng Brgy. Sacred Heart ng nasabing lungsod, at Jess Jurios, kapwa pahinante.

Sugatan ang lasing na driver ng van na si Eduardo Pabonita, 34, ng Brgy. Pinyahan, Quezon City.

Sa imbestigasyon ni PO2 Jordan Junio, nangyari ang insidente sa EDSA Southbound Lane, corner Quezon Avenue, Brgy. Phil-Am, dakong 4 a.m.

Minamaneho ni Pabonita ang L-300 van (THB-406) sakay ang dalawang pahinante habang binabagtas ang EDSA, nang biglang sumalpok sa naturang footbridge.

Patay agad ang dalawang pahinante habang si Pabonita na naipit ay isinugod sa East Avenue Medical Center para malapatan ng lunas.

Sa imbestigasyon, sinabi ng ilang saksi, mabilis ang takbo ng van kaya nawalan ng kontrol ang driver at basa ang lansangan sanhi ng pag-ulan. (ALMAR DANGUILAN)

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *