Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Para kay tatay, handog ng GRR TNT

TUWING ikatlong Linggo ng Hunyo ay ipinagdiriwang ang Fathers Day. Ito’y minsan pang pagdakila sa ating mga ama na siyang “haligi ng  tahanan.”

Hayaan nating ipakilala sa pamamagitan ng prorama ng Gandang Ricky Reyes Todo Na Toh (GRR TNT) ang mga anak na ipinakita ang pagmamahal at paghanga sa kanilang ama sa pamamagitan ng pagsunod sa yapak ng huli sa mga trabaho, sining at tungkuling ginampanan.

Isa na rito si JC Regino na anak ng Jukebox Idol na si April Boy Regino. Lingid sa sikat na ama, pangarap ni JC na maging popular singer at performer sa stage. Ginulat na lang ng anak ang ama nang magsimula siyang mag-compose, mag-recording, at umawit sa telebisyon at entablado. Siyempre, idol ni JC ang mahal na ama.

May isang misis naman na matagal nangarap mabigyan ng supling ang asawa. Sa pag-inom ng food supplement na Acaiberry tila himalang nagbuntis si misis. At ang sorpresang regalo niya sa mister ay ang sanggol na dinadala sa sinapupunan.

Sa pagsulat sa GRR TNT ay hiniling ng isang anak na bigyan ng isang make over ang kanyang ama para sa bonding ng pamilya sa Araw Ni Tatay. Siyempre, pinagbigyan siya ni Mader Ricky at ang ama, abot-tenga ang ngiti at halatang sumaya sa dakilang pagbabago.

Ano nga ba ang mga regalong dapat ibigay kay Papa? ‘Di niya kailangan ang mga materyal na regalo. Sapat na sa kanya ang inyong pagmamahal, respeto at hangaring matupad ang pangarap bilang isang ama para sa kanyang anak.

Ang GRR TNT ay prodyus ng ScriptoVision at napapanood tuwing Sabado mula 9:00-10:00 a.m..

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …