Matapos mapanood ng mga BKs ang tune-up race ni Malaya sa pista ng Sta. Ana Park (SAP) nung isang gabi ay may ilan na sa kanila ang nagpalagay na ang nasabing kabayo ay maaaring makapagbigay ng banta kay Kid Molave sa darating na ikalawang yugto ng “Triple Crown Stakes Race” para sa taong ito.
Naramdaman kasi ng mga klasmeyts natin na sa buong distansiya ng laban ay nakapirmis lang ang sakay niyang si Unoh Hernandez at habang papalapit sa meta ay punong-puno pa si kabayo. Ang tinapos na tiyempo ni Malaya ay 1:13.2 (24’-23’-25’) para sa 1,200 meters na distansiya.
Ang 2nd Leg ng 2014 PHILRACOM “Triple Crown Stakes Race” ay idaraos sa Hunyo 22, 2014 (Linggo) sa pista ng SAP at lalargahan sa medyo mahabang distansiya na 1,800 meters. Ang mga nauna nang nagpalista diyan ay sina Kaiserlautern, Kanlaon, Kid Molave, Low Profile, Macho Machine, Malaya, Matang Tubig at Tap Dance.
Ang tampok na pakarerang iyan ay may nakalaan na halagang P1.8M para sa may-ari ng magwawaging kalahok
Fred Magno