Monday , December 23 2024

Kidnapper arestado sa rescue operation (Anak ng bank manager dinukot)

ARESTADO sa mga tauhan ng Manila Police District (MPD) kamakalawa ng gabi ang isang lalaki na dumukot sa anak ng isang bank manager sa Ermita, Malate, Maynila.

Kinilala ni PO3 Rodel Benitez ng MPD General Assignment Section ang suspek na si Arturo Kalaw, Jr., ng Brgy. Gonzales, Tanauan City, Batangas.

Napag-alaman, dinukot ng suspek ang biktimang si Jenna Mae Trinidad Cariaga, 29, nanunuluyan sa Grand Tower 2 Condominium, P. Ocampo St., Ermita, Malate, Maynila, noong Hunyo 9 sa Tanauan City.

Humingi ang suspek ng P2 milyon sa ama ng biktima na si Armando Cariaga, bank manager, ng Tanauan City, Batangas, at naninirahan din sa Grand Tower Condominium.

Kamakalawa, tumawag ang suspek sa ama at sinabing hawak niya ang biktima. Ipinarinig pa ng suspek sa ama ang boses ng biktima sa cellphone.

Nagkasundo ang dalawa na ihahatid ng suspek ang biktima sa kanilang condominium kapalit ng P2 milyon ransom ngunit humingi ng tulong ang ama sa mga awtoridad.

Dakong 8 p.m. nasakote ng mga awtoridad ang suspek sa elevator  ng condo at nasagip ang biktima.

(LEONARD BASILIO)

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *