Monday , December 23 2024

Bistek, sinundo ang kanyang mag-iina at sabay-sabay na nagsimba noong Linggo! (Tao lang tayo na nagkakamali. Tao lang tayo na nakahandang magpatawad — Tates)

ni Dominic Rea

ISANG karangalan ang makausap ang isang inang mas piniling manahimik noon sa isang isyung pinagpiyestahan ng bayan. Isang inang mas binigyang-pansin at halaga ang pananahimik ng kanyang pamilya para na rin sa kapakanan ng mga anak. Isang maybahay na kinilatis muna ang kalalabasan ng isang sitwasyong pamilya.

Yes. Sa isang kaswal na usapan, sa isang tahanang maaliwalas at punompuno ng biyaya at pag-asa ay walang kiyeme at pag-aalinlangang sinagot ni Ms. Tates Gana ang ilang katanungang nabimbin sa aking isipan. Unang tanong ko sa kanya ay kung kumusta naman siya kasama ang dalawang anak mula sa halos dalawang buwang bakasyon sa Amerika?

“We’re okey Dom! The kids are okey. We’re happy together,” bulalas nito sa amin.

Sagot ko naman ay good Tita Tess while Harvey—youngest son of Mayor Herbert Bautista and Tates ay busy namang nakikipaglaro sa isang pet who’s sitting beside Tita Tess.

How’s life after the rain Tita?

“Okey naman! Okey lang kami. Salamat sa mga prayer ninyong lahat para sa aming family,” maikling sagot niya sa akin ng walang pag-aalinlangan.

Sinabihan ko si Mayora Tates na with all the issues, alam kong napakaraming kumukulit sa kanya for interview. Alam ko rin na hindi ganoon kadali ang kanyang sitwasyon bilang isang ina.

How is it going now?

“I tried, we tried not to talk about the issue that time. Tumahimik lang kami, hinayaan ko lang, kasi alam kong one day ay matatapos din. Ayon, it’s done. Tulad nga ng sinabi ko kanina, we’re okey, doing well and life must go on! That’s life Dom. May times talaga na susubukan ka, ‘yung patience mo, the most is kung paano mo i-handle ang isang sitwasyon and I think what I did is just right!” aniyang mahinahong paglalahad pa sa aking panayam casually.

Ang buong akala ko ay hindi kayang sagutin ni Mayora Tates ang panghuli kong tanong sa kanya kung nagkaayos at nagkita na ba sila ni Mayor Herbert simula nang dumating sila ng mga bata mula sa Amerika?

“We’re only human Dom. Tao lang tayo na nagkakamali. Tao lang tayo na nakahandang magpatawad. Hindi tayo perpekto Dom.

“Yes! Nagkita na kami. Sinundo niya kami last Sunday sa bahay and nakita niya ang mga bata. Tapos sabay-sabay kaming nagpunta ng church. Ang saya ng pakiramdam.

“But you know Dom, naramdaman ko ‘yung pain noon but now….mas naging matibay lang siguro ako, kami, buong family namin. I hope that everything will take it’s place na.

“God is good naman always Dom!” aniyang pagtatapos pa sa aming panayam.

Lesson learned, yes, we’re only human! Do what is good and right dahil hindi tayo mabibigo sa anumang panalangin natin!

Personally, I salute Mayora Tates. Sobrang nagpakakumbaba niyang tao ganoon din ang kanyang buong pamilya.

About hataw tabloid

Check Also

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Vilma Santos

Vilma pumalag ginagamit ng isang pekeng gamot online

HATAWANni Ed de Leon GUMAWA na po ng statement ang Star For All Seasons na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *