ni Ronnie Carrasco III
KUMBAGA sa labintador ay nahinaan kami sa putok ng inakala pa nami’y isang matinding pasabog ang mag-iiwan ng pinsala sa aming eardrum.
Ang tinutukoy namin ay ang privilege speech nitong Lunes ni Senator Bong Revilla sa Senado, na iba-ibang mambabatas ang narinig naming bumabangka.
Kompara sa kanyang naunang talumpati where he furiously lambasted the P-Noyadministration, nitong Lunes ay pinaghalong sobriety at humor ang pinakawalan ni Bong, poking fun at the likely scenario of seeing himself put behind bars.
At sa bandang huli nga’y may AVP (audio-visual presentation) pa siyang pinapanood with snippets of memorable footage na nilapatan ng awiting siya ang kumanta ay may akda.
Earlier, speculations ran wild na ang huling bala na ‘yon ng senador ang gagamitin niya laban sa kanyang mga katunggali, even more bravely pointing his fingers at the very names of those who have caused him and fellow Senators Juan Ponce Enrileand Jinggoy Estrada injustice nang ibasura ng Ombudsman ang kanilang motion for reconsideration.
Nakaabang kami sa mga pangalang ngayon lang isisiwalat ni Bong, such unlikely names na kunwari’y walang bahid dungis pero ‘yun pa pala’y mga mas higante pang mandarambong sa kabang-yaman ng gobyerno.
Much to our disappointment, hindi naging eksplosibo ang malayang talumpating ‘yon ni Bong.
Kung mayroon mang kahanga-hanga sa estratehiyang ‘yon ng senador, ‘yun ay ang mataas pa ring paggalang sa kanyang mga kabaro kabilang na si Senator TJ Guingonana siyang chairman ng Blue Ribbon Committee na naatasang mamuno ng Senate inquiry kaugnay ng pork barrel scam.
Pasado na rin sa amin ang kawalan ni Bong ng planong magbitiw sa puwesto. Katwiran niya marahil, why step down gayong tao ang nagluklok sa kanya at nanguna pa sa talaan ng mga tumakbong senador noon?
‘Yun nga lang, tao rin ang mga kalaban nilang sangkot sa PDAF scam, mga taong ninakawan ng kanilang karapatang maiahon ang kanilang nagdarahop na kalagayan para makatikim man lang ng kaunting kaginhawaan sa buhay.
While Bong et al refuse to step down, these people are stepping up, hindi lang para isaboses ang kanilang karaingan kundi para pamunuan ang krusada laban sa mga tiwali sa pamahalaan.