Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kawatan inasintang parang ibon tigok (Nakakapit sa barandilya ng condo)

061314_FRONT

PATAY ang isang lalaking tinaguriang tirador ng manok na panabong, makaraan barilin ng hindi nakilalang suspek habang nakakapit sa bintana ng isang condo unit sa Binondo, Maynila kahapon ng madaling-araw.

Hindi pa nakikilala ang biktimang tinatayang 40-anyos, 5’8 ang taas, katamtaman ang pangangatawan, kayumanggi, nakasuot ng shorts at walang saplot na pang-itaas.

Ayon kay SPO1 Charles John Duran ng Manila Police Distrcit (MPD) Homicide Section, dakong 2 a.m. hinabol ng mga residente ang biktima sa Alvarado St., Binondo dahil sa pagnanakaw ng manok na panabong. Ngunit biglang tumalon ang biktima sa estero at naglaho. Maya-maya lamang, muling naispatan ang biktima na nakakapit sa window grill sa ikaapat na palapag ng condominium sa 915 Masangkay St.

Hinimok ni Kagawad Rico Echalas ang biktima na bumaba ngunit biglang narinig ang sunod-sunod na putok ng baril saka bumagsak sa ilog ang lalaki. Makaraan ang ilang oras, naiahon ang wala nang buhay na katawan ng biktima.

ni LEONARD BASILIO

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …