116TH INDEPENDENCE DAY. Iwinagayway ang higanteng bandila ng Filipinas sa Luneta Park bilang pagdiriwang sa ika-116 Araw ng Kalayaan ng bansa. (BONG SON)
MALAKAS man ang ulan, itinuloy pa rin ang mga aktibidad sa loob at labas ng Metro Manila kaugnay ng paggunita sa ika-116 taon ng kasarinlan ng ating bansa.
Pinangunahan nina Vice President Jojo Binay ang flag raising ceremony sa Luneta Park sa lungsod ng Maynila.
Pinangunahan ni Labor and Employment OIC Ciriaco Lagunzad ang job fair para sa local job seekers.
Nagdaos din ng free medical and dental services sa Rizal Park ang Department of Health (DOH).
Habang hinimok ni Senate Presidente Franklin Drilon sa kanyang talumpati sa Pinaglabanan Shrine sa San Juan, ang mga kabataan na ipaglaban at itaguyod ang demokrasyang pinaghirapan ng ating mga bayani.
Nagsalita si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino sa Barasoain Church sa Malolos City, Bulacan, at hinikayat ang taong bayan na laging isapuso ang diwa ng kalayaan.
(BETH JULIAN/
LEONARD BASILIO)