Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

68-anyos soltera nagbigti (Puso lumalaki )

HINIHINALANG dahil sa karamdaman sa puso kaya nagbigti ang isang 68-anyos matandang dalaga sa Pasay City kahapon ng madaling-araw.

Natagpuan na wala nang buhay si  Ofelia Almazar, ng 51 Maryluz St., Brgy. 137, Zone 13 ni Rolando Tiosen, 53, sa ikalawang palapag ng bahay ng biktima dakong 1:40 a.m.

Ayon kay Tiosen, lumabas siya ng kanyang kuwarto upang magtungo sa comfort room, pagbukas niya ng ilaw sa ikalawang palapag ng bahay ay nakita niya ang nakabitin na biktima.

Habang sinabi ni Raquel dela Peña, huli niyang nakitang buhay ang hipag kamakalawa dakong 9 p.m. sa tapat ng Pasay City General Hospital nang magpa-check-up dahil sa paglaki ng puso.

Lagi aniyang idinadaing ng biktima ang madalas na pagsumpong ng kanyang sakit sa puso kaya nahihirapan huminga.

Posibleng hindi na nakayanan ng hipag ang kanyang sakit kaya nagpasyang wakasan ang buhay ayon kay Dela Peña.

Gayon man, walang nakuhang suicide note ang mga awtoridad sa lugar ng insidente.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …