PUTING PANYO ANG NAGING KALASAG NINA ZAZA AT ROBY LABAN SA MALIGNO
Sa reaksiyon ng mag-asawang maligno, halata ang pagkatakot kay Zaza na hawak ang puting panyo. Nang tangkain ng dalaga na sugurin ang lalaking maligno ay mabilis itong sumanib kay Roby.
Gayon man, bago pa mangibabaw sa katauhan ni Roby ang lalaking maligno ay napagtagumpayan ni Zaza na maitali sa leeg ng nobyo ang puting panyo.
Sa pagkadaiti ng puting panyo sa katawan ni Roby, mistulang napaso ang kanyang buong katawan. Bumagsak siya sa damuhan. At lu-mabas sa katawang lupa niya ang maligno na umaatungal.
Sinamantala iyon ni Zaza upang masabu-yan ng asin ang maligno. Pagkaraan lamang ng ilang segundo ay umusok at nagliyab hanggang naging abo ang kampon ng diyablo.
Mapapakislot si Joan sa upuang bato nang mula sa kawalan ay matanaw niya ang pahagibis na pagtakbo nina Roby at Zaza na magkahawak-kamay. Nangislap sa tuwa ang maluha-luha niyang mga mata. Pero saglit lang namayani sa kanyang puso ang kasiyahan. Pag-linga niya kay Zabrina ay bihag na ng malig-nong kamukha ni Jonas.
Bahagyang napaatras sina Roby at Zaza.
“Ikaw…” pagtuturo ng daliri ng maligno kay Zaza. “Sunugin mo ang dala mong panyo.”
Hindi nakahuma si Zaza. Nagmistulang estatuwa ang mag-inang Joan at Roby.
“‘Wag kang lalapit…” babala ng impaktong nandidilat ang malalaking mga mata.
Isang disposable lighter ang inihagis kay Zaza ng kampon ng diyablo.
“Sunugin mo ang panyo,” utos sa nobya ni Roby.
Isang puting panyo ang sinunog ni Zaza sa harap mismo ng maligno.
“Masunuring bata,” ang malakas na halak-hak ng huwad na Jonas.
Naging alisto naman si Roby. Maagap ni-yang napigilan ang maligno na maisama sa daigdig ng mga engkanto ang kapatid niyang si Zabrina. Buong higpit niyang sinakal ng braso ang leeg nito. (Itutuloy)
ni Rey Atalia