Tuesday , November 5 2024

Filipino subjects aalisin sa kolehiyo (Palasyo ‘nganga’ sa isyu)

NGANGA ang Malacañang sa desisyon ng Commission on Higher Education (CHED) na tanggalin na ang Filipino subjects sa kolehiyo at unibersidad.

“Puwede bang… Let me defer first. I don’t know the—kung ano ‘yung naging katwiran doon. Tatanungin muna namin si Chair Tati Licuanan kung totoong mayroon ganoong plano,” tugon ni Lacierda nang tanungin ng media kung suportado ng Palasyo ang naturang hakbang ng CHED.

Lumalaganap ang online petition na humihiling sa CHED at Kongreso na magsagawa ng hakbang upang isama sa bagong General Education Curriculum (GEC) sa kolehiyo ang mandatory na 9 yunit na Filipino subjects para sa lahat ng mag-aaral, ano man ang kurso.

Sinuportahan din ng National Commission for Culture and the Arts-National Committee on Language and Translation (NCCA-NCLT), sa pamamagitan ng isang resolusyon ang naturang online petition.

Inalis ng CHED ang lahat ng asignaturang Filipino sa antas tersiyarya sa pamamagitan ng CHED Memorandum (CMO) No. 20, Series of 2013 na may petsang 28 Hunyo 2013 na nagsasaad ng bagong GEC kaya maraming mabubuwag na Departamento ng Filipino sa mga kolehiyo at unibersidad sa buong bansa.

Ayon pa sa petisyon, mahigit 10,000 full-time at 20,000 part-time guro ng Filipino ang nakatakdang mawalan ng trabaho o mabawasan ng kita bunsod ng nasabing CMO.

(ROSE NOVENARIO)

About hataw tabloid

Check Also

Pasig City

Pasig City gov’t political officer bistadong lider ng ‘troll campaign’

PASIG City – Isang Universal Serial Bus  (USB) ang nagbisto sa sinabing ‘troll campaign’ operations …

Bicol Money

Sa pananalasa ng bagyong Kristine
SA P132-B PONDO PARA SA BICOL FLOOD CONTROL MAY DAPAT MANAGOT — IMEE

TINULIGSA ni Senadora Imee R. Marcos ang malalang pagbaha sa Bicol sa kabila ng P132 …

Rodrigo Duterte Bato dela Rosa

Kung may sapat na batayan
DUTERTE SAMPAHAN NG KASO, HAMON NI SEN. BATO DELA ROSA

HINAMON ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa ang nais magsampa ng kaso laban kay dating …

PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan …

arrest, posas, fingerprints

Pumugot sa sekyu sa QC timbog

NADAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang driver na pumugot sa security guard ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *