Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Camry halos buhatin ni Bornok

Muling gumana at naipakita na naman ni jockey Dominador “Bornok” Borbe Jr. ang kanyang pagiging “Rapid Fire” sa ibabaw ng kabayo nang ipanalo niya si Camry sa huling karera nitong nagdaang Lunes sa pista ng SLLP.

Dahil sa ikli ng distansiya at pagiging diremate ni Camry ay ginalawan siya kaagad ni Bornok, kaya sa umpisa ay nasabay siya agad sa lundagan. Pagdating sa unang likuan ay nagsimula nang umayre ang mga nakalaban niyang may tulin sa harapan, kaya nung maiwan sila ay biglaang sinimulan na niyang ayudahan si Camry.

Pagdating sa huling kurbada ay naangatan pa si Bornok nung isa niyang kalaban kaya medyo lumayo iyong bandera, subalit hindi naging malaking hadlang iyon dahil halos buhatin na niya si Camry. Sa lakas ng bayo ay nagtuloy-tuloy ang pagremate nila at sa huling 50 metro ay nakuha nila ang unahan hanggang sa makarating sa meta.

Congrats sa RMJ Farms, trainer Joey Mijares, Bornok Borbe Jr., Tirso Avila at apprentice rider Abraham Avila na malapit ng makasakay ulit sa Hulyo 29.

Congrats din sa koneksiyon ni Crusis, sa owner si Ginoong Marlon Cunanan, trainer Dave Dela Cruz at jockey Jeff Zarate. Sana ay matuloy ang paghaharap nila ni Hagdang Bato ni butuhing Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos Jr., siyempre mas mainam kung maisali din si Pugad Lawin ni Ginoong Tony Tan Jr. at iba pang hindi nalalayo sa kanilang kapasidad.

Abangan natin ang malaking pakarerang iyan sa buwan ng Agosto gaya nang nabanggit sa ere ni kapatid na Ira Herrera.

Fred magno

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …