Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

2014 na pero 2010 year book ng DPS, QC, wala pa rin!

ANO nga ba ang tamang ahensya na tawagan nang pansin para aksyonan ang …ewan ko kung anong klaseng reklamo ang itatawag ko rito.

Ibang klase kasi ang pamunuan ng Diliman Preparatory School (DPS) na pinatatakbo ng pribadong korporasyon sa pangunguna ng kanilang pangulo na si EX-SENATOR NIKKI COSETENG.

Ang eskuwelahan nga pala ay matatagpuan sa Commonwealth Avenue, Quezon City.

Mangilang beses na rin kasi akong nagsagawa ng personal follow-up sa reklamong sobrang kakuparan ng DPS pero hanggang ngayon…taon na ang binilang ganoon pa rin….hanggang ngayon ay wala pa rin nangyayari. Ang alin nga!?

Una kong nakausap noong nakaraang taon, Abril 2013 ay si Mrs. Ventura, isa sa opisyal ng DPS, sa kanyang opisina.

Ang sabi niya ay hindi pa nga raw tapos at inaayos pa nang husto—pinagaganda raw mabuti. Ha! Ano iyan, gagawing ginto ang cover!?

At baka nga raw sa susunod na buwan ay okey na ang lahat. Ang alin nga?!

Marami pa na kung anong palusot na sinabi sa akin. Kesyo, mayroon pa daw kasi photos na missing … katunayan, may iniharap pa nga siya sa akin na isang ginang (siya raw in-charge). Kung ano-ano rin ang palusot niya.

Ewan. Hindi nga ako ganoon nakinig sa palusot nila dahil masasayang lang din ang lahat.

Nagpakikilala rin akong isang media practitioner hindi lamang para magreklamo kundi para kunin na rin ang kanilang panig. Nakiusap nga si Ms. Ventura na huwag ko na raw ilabas sa pahayagan dahil next month (Mayo) ay baka lalabas na. Pinagbigyan ko naman ang kanilang pakiusap pero….

Okey heto na ang reklamo.

Marso 2010 nagmartsa (para sa grade 6 graduation) ang anak ko sa DPS.

Bago nag-umpisa o natapos ang academic year 2009-2010 or upon enrollment pa lang ay kasama na sa binayaran sa tuition fee para sa Grade 6 ang lahat na kailangan para sa isang graduating student (graduation expenses)  kabilang dito ang yearbook.

Yearbook po ay kasama na. Hindi na mahalaga ang presyo nito pero iyon nga lang. Hanggang ngayon ay wala pa rin ang yearbook.

Alam kaya ito ni Ex- Senator Coseteng? I doubt. Not unless kung itinatago sa kanya ang mga kapalpakan sa DPS.

Oo apat na taon na ang nakalilipas simula nang nag-graduate ang anak ko sa DPS at heto nga nitong Marso 2014 ay nagmartsa na uli siya. Bayad na rin uli ang lahat kasama na ang kanyang yearbook para sa AY 2013-2014.

Ibig kong sabihin dating Senadora Coseteng, apat na taon na ang nakalilipas at magpahanggang ngayon ay hindi pa ninyo ibinibigay o hindi ninyo naipagagawa ang 2010 yearbook.

Kunsabagay, iyong para raw sa 2009 ay wala pa rin. Ano!? Kaya, how much more ang para sa 2010, 2011, 2012, 2013. E ang para sa 2014, baka sa taon 3000 na mapagawa ito Madame Coseteng. I hope na hindi abutin ng taon 3000. Sana!

Kay mahal, mahal na nga niyan, maging ang matrikula sa DPS at mga libro, ganito pa ang nangyayari.

Aysus ginoo!

Madame…madame Coseteng, maintindihan n’yo naman siguro ang lahat kung bakit tayo ay nagrereklamo.

Kamakalawa, Hunyo 9, 2014, nagpunta uli ako sa DPS – sa principal’s office para alamin kung mayroon na ang 2010 year book. Take note may dear fellow parents of Dilimanians.

Wala! Wala! Wala! Wala! Wala! Wala pa rin ang yearbook! Anak ng pu …sa naman talaga!

Almar Danguilan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Vilma Santos Mikee Morada Alex Gonzaga

Gov Vilma na-miss ng mga taga-Lipa; Alex at Mikee sinusubukan pa ring makabuo ng baby

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SAYANG at hindi nakadalo ng misa sa San Sebastian Cathedral sa …

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …