NANGANGAMBA ang private schools kaugnay sa mataas na bilang ng mga estudyante na lumipat sa public schools.
Ayon sa Federation of Associations of Private Schools and Administrators (FAPSA), mahigit 13,000 students mula sa private schools sa Metro Manila ang lumipat sa public schools simula nang magbukas ang klase dahil sa patuloy na pagtaas na matrikula.
Bukod dito, sinabi ng FAPSA na marami na rin private schools ang nagsara.
Nangangamba ang FAPSA na kapag hindi natugunan ang sitwasyon, ang private schools para sa middle class students ay magiging kasaysayan na lamang.
Nanawagan ang FAPSA sa Department of Education (DepEd) na magbuo ng hiwalay na bureau na tutugon sa mga problema ng private schools.
Ngunit sinabi ng DepEd, nagkaloob na sila ng financial aid sa ilang public school students upang makapag-enrol sa private schools.