ni Peter Ledesma
Kapit na kapit na ang buong sambayanan sa “master teleserye” ng ABS-CBN na “Ikaw Lamang” sa pagsiklab ng mas mala king sigalot sa pamilya nina Samuel (Coco Martin), Franco (Jake Cuenca), Mona (Julia Montes), at Isabelle (Kim Chiu). Patunay dito ang datos mula sa Kantar Media noong Biyernes (Hunyo 6) kung kailan na-nguna ang “Ikaw Lamang” sa listahan ng most-watched TV programs sa bansa taglay ang national TV rating na 31.5%. Ito ay mahigit doble ng nakuha ng katapat na programa sa GMA na “Kambal Sirena” (14.9%). Samantala, tiyak na lalong tututukan ng TV viewers ang mas kapana-panabik na komprontasyon ng mga karakter sa “Ikaw Lamang” matapos maramay sa isang mala-king aksidente si Franco. Magagawa ba ni Samuel na layuan si Isabelle sa gitna ng matindi ni-yang pinagdaraanan dahil sa pagseselos ng asawa niyang si Mona? Mapapatawad pa ba ni Miranda (Cherie Gil) ang kanyang ama na si Maximo (Ronaldo Valdez) ngayong alam niya na siya ang tunay na nagdala ng panganib sa buhay ng kanyang asawa’t anak? Huwag palampasin ang mas painit nang painit na eksena nina Coco, Kim, Julia, at Jake sa master teleseryeng “Ikaw Lamang,” pagkatapos ng “Dyesebel” sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Para sa karagdagang impormasyon kaugnay ng “Ikaw Lamang” bisitahin lamang ang official social media accounts ng programa sa Facebook.com/ IkawLamang.Online, Twitter.com/IkawLamang_TV at Instagram.com/IkawLamang_TV.Check Also
Liza Soberano nag-iingay na naman
PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …
Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK
PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …
Richard at Barbie package deal?
PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …
Newbie actor sinalubong ng malaking project
MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …
Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai
MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com