ni John Fontanilla
“Hindi po ako masamang babae, real estate
properties ang ibinebenta ko at hindi ang sariIi ko! “
Ito ang bungad na pahayag ni Krista Miller kaugnay sa naging pagdalaw niya kayvVIP inmate Ricardo Camata last May 31 sa Metropolitan Hospital.
“Ngayon pa lang po ako muling bumabangon at samantalang ipinagpapatuloy ko pa rin ang pangarap kong maging artista. Hindi po stable ang kita ko kung ‘yon lang ang aasahan ko. ‘Yun po ang dahilan kaya naghanap ako ng fallback sa career at iyon nga po ang pagiging real estate agent.
“Since January po ay nag-aahente na ako ng properties. Hindi po madaling trabaho ‘yon gaya ng mag-attest ng iba pang real estate agents. Kailangan kaming maghanap ng potential clients at mangulit.
“Kadalasan po siyempre napapahiya kami pero part po ng trabaho ‘yun. Mahirap pong trabaho ‘yun pero ‘yun lang ang alam kong gawin bukod sa pagpe-perform para kumita ng pera ng marangal at walang inaapakan.
“Kung masama po akong babae, hindi po sana ako nalagay sa “red line” for two months dahil hindi ko naabot ang monthly sales quota ko.
“Hindi ko na lalo ‘yon kailangan dahil maraming kliyente ang nag-o-offer ng indecent proposals pero hindi po ako ganoong klaseng babae. Wala po akong mukhang ihaharap sa mga magulang ko kung gagawin ko ‘yun,”mahabang paliwanag ni Krista.