Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

GMA, ‘di na feel bigyan ng show si Bong?

ni Ronnie Carrasco III

AS we go to press ay pinakakasuhan na ng Ombudsman ng plunder o pandarambong ang mga pangunahing sangkot sa pork barrel scam na sina Senators Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada, at Bong Revilla. Kabilang din ang sinasabing utak nitong si Janet Napoles.

After which ay iaakyat ang kaso sa Sandiganbayan, which means anytime soon ay ipag-uutos na ang immediate arrest sa kanila.

Sa tatlong mambabatas, masasabing hindi na bago ang likely scenario na ‘yon para kay Jinggoy. Matatandaang ang father-and-son tandem nila ng noo’y Pangulo at kasalukuyang Manila City MayorJoseph Estrada had served their prison terms sa pareho ring kaso.

Ang commonality naman nina Johnny at Bong is that both are willing to be put behind bars.

Between the two, si Bong lang ang nakatapak ang isang paa sa mundo ng showbiz. Lingguhan pa ring napapanood ang kanyang “amazing show” sa GMA.

But what’s this we heard na apat na episodes na lang ang paghahandaan ng produksiyon? And in the event of his incarceration, natural na mababakante ang time slot na ‘yon.

This early, dinig namin ay aligaga ang Entertainment TV (ETV) Group ng Kapuso Network sa kung anong programa ang ipapasak sa mababakanteng oras na ‘yon, either the station will reshuffle its programs or create a new one.

So, hindi pala mapagbibigyan ang hiling daw sana ni Bong na kahit sa Camp Crame (na pagdadalhan sa kanila) ay payagan siyang makapag-tape ng kanyang weekly show?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …