Saturday , May 3 2025

Ginebra vs SMB

INAASAHAN ang matinding pagsabog sa salpukan ng Barangay Ginebra at San Miguel Beer sa PLDT Home Telpad PBA Governors Cup mamayang 8 pm sa Philsports Arena sa Pasig City.

Sa unang laro sa ganap ng 5:45 pm ay magkikita naman ang Air 21 at Globalport.

Ang apat na koponang tampok sa double header mamaya ay pawanggaling sa kabiguan at naghahangad na makabawi.

Ang Express ay natalo sa overtime, 113-109 sa defending champion San Mig Coffee noong Lunes at kasosyo ngayon ng Beermen sa kartang 4-3. Ang San Miguel Beer ay galing sa 80-67 pagkatalo sa Meralco sa kanilang out-of-town game sa Cagayan de oro City noong Sabado.

Noong Linggo naman ay natalo ang Barangay Ginebra sa Rain or Shine, 117-108 sa Binan, Laguna at bumagsak sa 4-2. Sa araw ding iyon ay pinadapa ng Barako Bull ang Globalport, 122-98. Iyon ang ikalimang sunod na kabiguan ng Batang Pier na nangungulelat sa record na 1-6 at tagilid na makapasok sa quarterfinals.

Hindi pa rin nakapaglalaro sa San Miguel Beer ang mga injured players na sina Marcio Lassiter, Paolo Hubalde at Chris Ross.

Hindi naman kinukulang sa firepower ang Beermen na nanggagaling kina Reggie Williams, June Mar Fajardo, Arwind Santos, Solomon Mercado at Chris Lutz.

Matindi naman ang mga huling laro ng Gin Kings. Matapos ang Beermen mamaya ay makakatapat nila ang Alaska Milk sa Biyernes at nangungunang Talk N Text sa Linggo.

Ang Gin Kings ay pinangungunahan nina Zaccheus Mason na sinusuportahan nina   Mark Caguioa, LA Tenorio, Chris Ellis, Japhet Aguilar at Gregory Slaughter.

Ang Air 21 ay binubuhat nina Dominique Sutton, Paul Asi Taulava, Joseph Yeo, Mark Cardona at Aldrech Ramos. Makakatunggali nila sina Dior Lowhorn, Jay Washington, Alex Cabagnot, RR Garcia at Terrence Romeo.

(SABRINA PASCUA)

About hataw tabloid

Check Also

PSAA Philippine Schools Athletics Association aarangkada na

Philippine Schools Athletics Association aarangkada na

KABUUANG 10 koponan sa pangunguna ng Philippine Christian University -Manila ang sasalang sa opisyal na …

LA Cañizares Tao Yee Tan Padel Pilipinas

Padel Pilipinas, Kampeon sa Pro Mix ng APPT Kuala Lumpur Open

NAGPAMALAS ng husay ang ating mga atleta matapos masungkit nina LA Cañizares at Tao Yee …

Mark Anthony Fernandez Joms Cup Okada Manila Motorsport Carnivale 2025

Jomari nang makulong sa ilegal na pangangarera — That started my advocacy for road safety and to promote legal racers

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez BATAMBATA pa si Jomari Yllana nang mahiligan ang pangangarera, Gwaping days pa ‘ika niya. Sa …

Ronald Dableo Chess

Dableo, pangalawa sa Sydney standard tournament

NAGTAPOS bilang ikalawa si International Master Ronald Dableo ng Filipinas sa Sydney International Open 2025 …

PNVF-MVP partnership pinagtibay

PNVF-MVP partnership pinagtibay

PORMAL nang ipinahayag ng MVP Group, na pinamumunuan ni chairman at matatag na tagasuporta ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *