Saturday , November 23 2024

Gigi Reyes nagpasaklolo sa Supreme Court (Sa pork barrel case)

KATULAD ng ibang mga inaakusahan sa pork barrel fund scam, nagpasaklolo na rin sa Supreme Court (SC) si Atty. Jessica Lucila “Gigi” Reyes, ang dating chief of staff ni Senador Juan Ponce Enrile.

Sa 81-pahinang petisyon for certiorari and prohibition, hiniling ni Reyes na ipawalang-bisa ang joint resolution ng Ombudsman na may petsang Marso 28, 2014 na nagsasabing may probable cause para siya ay sampahan ng kasong plunder at graft, gayundin ang joint order na may petsang Hunyo 4, 2014 na nagbabasura sa kanyang motion for reconsideration.

Inapela rin ni Reyes na magpalabas ang SC ng temporary restraining order o writ of preliminary injunction para pigilan ang Ombudsman sa pag-usig sa kaso.

Nagkaroon aniya ng grave abuse of discretion sa panig ng Ombudsman nang ipalabas nito ang kinukwestiyong kautusan dahil ang findings of probable cause laban sa kanya ay ibinase lamang sa sinumpaang salaysay ni Ruby Tuason.

Sa kabila aniya ng kanilang paulit-ulit na kahilingan, hindi sila nabigyan ng Ombudsman ng kopya ng affidavit ni Tuason.

Enrile handang mamatay sa selda

“EVEN if I’ll die in my cell, it’s OK,” pahayag ni Senate Minority leader Juan Ponce Enrile kaugnay sa kinakaharap na kaso sa pork barrel scam.

Tiniyak ni Enrile sa kanyang mga kasamahan sa Senado na hindi siya nababahala na makulong sa kabila ng kanyang edad na 90-anyos sa harap na rin ng napipintong paglabas ng warrant of arrest sa kasong plunder sa Sandiganbayan.

Magugunitang nanawagan sa pamahalaan ang kapwa akusado sa pork barrel scam ni Enrile na si Sen. Jinggoy Estrada na kung maaari ay huwag nang ikulong ang dating pangulo ng Senado dahil sa kanyang edad at kalusugan.

Nngunit ayon kay Enrile, handang-handa na siya makulong kahit pa humantong ito sa kanyang pagkamatay sa kulungan.

“I thank them for that but I’m prepared. Even if I’ll die in my cell, it’s OK. At my age, I got through life already,” ani Enrile.

Sinabi rin ni Enrile na naghahanda na siya ng kanyang gamit para dalhin sa kanyang kulungan.

“I’ve been prepared since several days ago. I’ve already packed up my things to bring to Camp Crame if that’s where we are going to be confined,” ani Enrile.

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *