Tuesday , December 24 2024

Enrile handang mamatay sa selda

“EVEN if I’ll die in my cell, it’s OK,” pahayag ni Senate Minority leader Juan Ponce Enrile kaugnay sa kinakaharap na kaso sa pork barrel scam.

Tiniyak ni Enrile sa kanyang mga kasamahan sa Senado na hindi siya nababahala na makulong sa kabila ng kanyang edad na 90-anyos sa harap na rin ng napipintong paglabas ng warrant of arrest sa kasong plunder sa Sandiganbayan.

Magugunitang nanawagan sa pamahalaan ang kapwa akusado sa pork barrel scam ni Enrile na si Sen. Jinggoy Estrada na kung maaari ay huwag nang ikulong ang dating pangulo ng Senado dahil sa kanyang edad at kalusugan.

Nngunit ayon kay Enrile, handang-handa na siya makulong kahit pa humantong ito sa kanyang pagkamatay sa kulungan.

“I thank them for that but I’m prepared. Even if I’ll die in my cell, it’s OK. At my age, I got through life already,” ani Enrile.

Sinabi rin ni Enrile na naghahanda na siya ng kanyang gamit para dalhin sa kanyang kulungan.

“I’ve been prepared since several days ago. I’ve already packed up my things to bring to Camp Crame if that’s where we are going to be confined,” ani Enrile.

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *