Tuesday , December 24 2024

‘Damo’ kompiskado sa loob ng Solaire Resort Casino (Seguridad palpak)

061114_FRONT

PINANGANGAMBAHAN ang pagkalat ng ilegal na droga sa isang sikat na resorts casino nang maaresto ang isang Indian national ng mga ahente ng Anti-Organized and Transnational Crimes Division – Anti-Illegal Drug Unit ng National Bureau of Investigation (AOTCD-AIDU-NBI) sa buy-bust operations sa Solaire Resort and Casino sa Parañaque City, iniulat kahapon.

Kinilala ang suspek na si Mardeep Narang, Indian national na may US citizenship, nakompiskahan ng P10,000 halaga ng marijuana.

Sa ulat nina agents Jerome Bomediano at Fatimah Liwalug, nitong nakaraang Abril 28 (2014), nakatanggap sila ng tip mula sa informant na isang alyas Singh ang nagtutulak ng marijuana sa Pasay City at kalapit na lugar.

Sa tulong ng informant ay ikinasa ni Special Investigator Salvador Arteche, Jr., ang entrapment operation sa koordinasyon ng PDEA at pulisya.

Nagkasundo silang magkita sa Resorts World Casino sa Pasay City dakong 7 p.m. ngunit nagbago ang isip ni Narang at sinabing sa Solaire Resort and Casino sa Parañaque City na lamang sila magkita.

Dakong 3 p.m. noong Abril 29, sinabi ni Narang sa informant na magtungo siya sa Solaire room 810.

Agad nagtungo roon ang informant kasama si Arteche bilang poseur-buyer at naabutan nila si Narang habang nag-aayos ng mga pakete ng pinatuyong dahon ng marijuna.

Nang umalis ang informant, hindi mapakali si Narang at sinabing hindi na tuloy ang drug deal.

Sa puntong iyon nagpakilala si Arteche na siya ay isang ahente ng NBI ngunit mabilis na tumakbo ang suspek.

Gayonman, si Narang ay nakorner ng iba pang mga ahente ng NBI sa hallway ng hotel.

Nakompiska mula sa suspek ang dalawang malaking transparent plastic at isang maliit na transparent plastic na pawing naglalaman ng marijuana.

Ayon sa intelligence report, ilang dayuhan manlalaro at security personnel sa Solaire Casino ang imino-monitor na sangkot sa bentahan ng ilegal na droga sa nasabing hotel casino.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *