ANG dalawang pares ng 3,300-year-old trousers na natagpuan sa western Xinjiang region sa China ang maituturing na pinakaluma sa mundo, ayon sa state-media.
Natagpuan nitong Mayo ng archaeologist ang animal-fur menswear sa katawan ng dalawang mummies, kinilalang lalaking shamans na may gulang na 40-anyos, pahayag ng state-run China Daily, ayon sa scientists.
Kasalukuyan nang kumikilos ang international team para sa pag-repair at pagpreserba sa dalawang pantalon – ang pinakalumang natagpuan na kahawig ng modernong pantalon, ayon sa ulat.
“They were almost of the same shape as today’s trousers,” pahayag ni Lu Enguo, researcher ng Institute of Archaeology sa Xinjiang.
Aniya pa, may natagpuan din katulad na pantalon sa nasabing rehiyon, ngunit ito ay yari sa mas simpleng disenyo at walang takip sa bahaging kaselanan.
Naniniwala ang mga archaeologist, ang mga nomad na nanirahan sa erya ang nakaimbento sa pantalon bilang kasuutan sa pangangabayo.
Ang mga nomad “at first wore a kind of trousers that only had two legs,” ayon kay Xu Dongliang, deputy head ng institute, idinagdag na “crotches were sewed on to the legs, and gradually other styles, such as bloomers, appeared”.
Ang unang natagpuan na pinakalumang pantalon na buo ay tinatayang just 2,800 years old. (AFP)