NAGKAINITAN sina Sen. Alan Pater Cayetano at Comelec Chairman Sixto Brillantes sa Senado kahapon.
Ito ay naganap sa pagdinig ng Senate committee on electoral reforms and people’s participation sa naging privilege speech ni Sen. Grace Poe kaugnay sa ika-10 anibersaryo ng “Hello Garci” scandal na sinasabing nadaya sa presidential elections noong 2004 si Fernando Poe Jr.
Ito ay dahil harap-harapan pinaratangan ni Cayetano si Brillantes na walang ginawang reporma komisyon para parusahan ang mga sangkot sa dayaan.
Nabatid na si Briliantes ang naging abogado noon ni FPJ.
Ngunit ipinagtataka ni Cayetano kung bakit hanggang ngayon ay may ilang opisyal pa na sangkot sa dayaan ang hindi man lamang naparurusahan at nananatili pa sa komisyon, gaya na lamang aniya ni Comelec Director Rey Sumalipao ng ARMM.
Halatang naiipit si Briliantes dahil kahit hindi pa tapos magsalita si Cayetano, sumasagot na siya at sumasapaw sa senador.
Dahil dito, naka-dalawang beses na sinuspinde ang pagdinig na pinamumunuan ni Sen. Koko Pimentel.
Nais mapiga ng mga senador ang pagkukulang ng Comelec kung bakit nagaganap ang dayaan at bumalangkas ng sistema para matiyak ang malinis na halalan sa bansa lalo na ngayong papalapit ang 2016 presidential elections. (NIÑO ACLAN)