NAPANATILI ng bagyong Ester ang kanyang lakas na 55 kilometro kada oras habang nasa hilagang bahagi ng Philippine area of responsibility (PAR).
Ayon sa Pagasa, huling namataan ang bagyo sa layong 200 kilometro sa hilaga hilagang silangan ng Basco, Batanes.
Kumikilos ito nang pahilagang silangan sa napakabagal na pag-usad.
Sa kasalukuyan ay nakataas ang signal number 1 sa Batanes Group of Islands, habang tinanggal na ang babala sa iba pang mga lugar.
Inaasahan mananatili ito sa loob ng karagatang sakop ng ating bansa hanggang sa susunod na 36 hanggang 48 oras.