Tuesday , November 5 2024

ABS-CBN under hot water sa nude painting

INIHAYAG ng ABS-CBN na handa sila sa pag-harap sa pulong na ipinatawag ng Movie Television Review and Classification Board (MTRCB) ukol sa “nude painting challenge” sa kanilang reality show.

Sa Hunyo 11 itinakda ng MTRCB ang meeting kaugnay sa apat na housemate na hinamon mag-pose para sa nude painting.

Mapupunta ang malilikom sa painting sa advocacy ng artist sa edukasyon.

Samantala, bukod kay Sen. Nancy Binay na unang ipina-review sa MTRCB ang naturang episode, nakiisa na rin sa protesta si Sen. Pia Cayetano.

“I am dismayed that one of the challenges was for the female housemates to pose nude. This is an assault to the dignity of the women housemates. Asking a woman to consider posing nude in such a situation – where her acceptance to perform the challenge is made in exchange for points or benefits for herself or her housemates – is tantamount to coercion,” saad ni Cayetano, chairperson ng Senate Committee on Women, Family Relations and Gender Relations.

Si Cayetano rin ang principal author ng Magna Carta of Women.

Sa panig ni Binay, dapat aniyang tiyakin ng show na walang malalabag sa dignidad ng mga kababaihan.

Aniya, “I believe this is the second time ‘PBB’ went overboard. How far can reality TV go for high ratings? Will we allow the network to exploit our women and children for ratings sake?”

Una rito, hindi natuloy ang nude painting challenge makaraan tumanggi sa huli ang apat sa naturang task.

(NIÑO ACLAN/CYNTHIA MARTIN)

About hataw tabloid

Check Also

Pasig City

Pasig City gov’t political officer bistadong lider ng ‘troll campaign’

PASIG City – Isang Universal Serial Bus  (USB) ang nagbisto sa sinabing ‘troll campaign’ operations …

Bicol Money

Sa pananalasa ng bagyong Kristine
SA P132-B PONDO PARA SA BICOL FLOOD CONTROL MAY DAPAT MANAGOT — IMEE

TINULIGSA ni Senadora Imee R. Marcos ang malalang pagbaha sa Bicol sa kabila ng P132 …

Rodrigo Duterte Bato dela Rosa

Kung may sapat na batayan
DUTERTE SAMPAHAN NG KASO, HAMON NI SEN. BATO DELA ROSA

HINAMON ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa ang nais magsampa ng kaso laban kay dating …

PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan …

arrest, posas, fingerprints

Pumugot sa sekyu sa QC timbog

NADAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang driver na pumugot sa security guard ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *