Saturday , November 23 2024

16-anyos beki ‘tinurbo’ ng kapitbahay

“HINDI ko na po magawa ang lumaban o magpumiglas dahil hinawakan po niya ang dalawang kamay ko nang patalikod halos mamilipit na po sa sakit ang braso ko po at umiiyak na po ako pero hindi niya po ako pinakikinggan.”

Ito ang hinagpis ng isang 16 anyos na si Jerome, ‘di tunay na pangalan, isang bading, residente ng San Andres Bukid, Maynila.

Inireklamo ng biktima ng panggagahasa sa Manila Police District-Womens Desk ang kanyang kapitbahay na si Ogie Obera, 30, ng #1920 Dagonoy St., San Andres Bukid ng nasabing lugar.

Sa salaysay ng biktima, naganap ang insidente dakong 6 p.m. sa bahay ng suspek noong Hunyo 6. Nasa loob aniya siya ng kanilang bahay nang tawagin siya ng suspek.

Nang magtungo aniya siya sa bahay ng suspek ay pinapasok siya at biglang ini-lock ang pinto.

“Paglapit po niya sa a kin ay hinubad niya ang short niya at inilabas ang kanyang ari at pinasubo sa akin, hindi po siya nakuntento at pinatalikod niya po ako at hinubad din po niya ang short ko kaya nasira ang butones ng short ko at ipinasok niya ang kanyang ari sa puwet ko. Nakiusap ako sa kanya na huwag niyang gawin yon pero wala po siyang narinig at pinagpatuloy niya po ang ginagawa niya sa akin,” salaysay pa biktima.

Tumigil lamang aniya ang suspek sa ginagawang kahalayan nang dumating ang misis ng salarin. Nagalit pa aniya ang misis ng suspek sa kanya kaya mabilis na lamang siyang tumakbo patungo sa kanilang bahay.

Dagdag pa ng biktima, hindi agad siya nagsumbong sa kanyang ina dahil sa banta ng suspek na muli siyang gagahasain.

(LEONARD BASILIO)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *