Friday , November 22 2024

Saan Ka Man Naroroon Aking Mahal (IKA-49 labas)

NADAGIT NI TUTOK ANG BAG NG LIMPAK NA KWARTA PERO HINDI SIYA NAKALIGTAS SA TINGGA NG BOGA

Nanatili ako sa manibela ng minamanehong motorsiklo. Umaarte naman si Tutok na may kinakalikot sa aming sasakyan. Kapwa kami naka-helmet na may wind shield na tumatakip sa aming mga mukha.

“’Tiyempohan mo ang pagbaba ng subject sa sasakyan, ako na’ng bahala sa bag,” ang bilin sa akin ni Tutok.

Nilagpasan lang ang motorsiklo namin ni Tutok ng sasakyan ng sekretarya at ng driver-alalay nito.

Nasunod ang plano ng grupo ko. Pero sa halip na sekretarya ang magdala sa bag ng bungkos-bungkos na pera, ang driver-alalay ng sekretarya ang nagbitbit nito. Gayonman, itinuloy pa rin ni Tutok ang iniplanong diskarte.

Mabilis na hinablot ni Tutok ang namimintog na bag sa dri-ver-alalay na may matipunong pangangatawan at manipis ang gupit ng buhok.

Sa malabis na pagkabigla, natulala ang seksing sekretarya. Pero ang lalaking kasama ay maagap na nakapagbunot ng baril sa baywang. Dalawang kamay niyang ipinaputok ang baril na 9 mm.

Dinig ko ang alingawngaw ng putok ng baril. Sa tulin ng pagpapahagibis ko sa minamanehong sasakyan ay hindi ko nagawang lingunin ang pinagmulan ng bala ng baril na bumaon sa likod ni Tutok.

Naramdaman ko na lang na lumuwag ang pagkakapit sa akin ni Tutok. Pero sa halip na kapitan ng isang kamay ang kasama kong angkas sa motorsiklo, ang inagapan ko agad ay ang bag na yakap niya. Kinawit ko ng braso ang bitbitan ng bag at saka isinabit sa aking balikat. Dahan-da-hang lumuwag ang pagkakahawak sa akin ni Tutok. Nakabitiw siya, humagis patihaya mula sa pagkakaupo sa kanyang likuran. Paglingon ko, parang inilampaso ng ma-tingkad na abuhing jacket niya ang kalsadang pinagsadsaran. Gumuhit sa semento ang dugong umaagos sa sugatan niyang katawan. Tila-manok siyang kumisay-kisay sa pagkakabaon ng tingga sa itaas na parte ng gulugod.

Itinodo ko ang pagbirit sa motorsiklo. Saglit lang at nasa EDSA na ako. Tinumbok ko ang linya ng MRT na patungong Taft Avenue Station. Dumiretso akong pa-Baclaran hanggang makarating sa Roxas Boulevard.

Isinampa ko ang motorsiklo sa sementadong gilid ng sea wall. Pandalas ang hi-ngal, namahinga ako sa ibabaw ng mahabang batong upuan. Tuyot na tuyot ang aking lalamunan. Tumatagaktak ang malagkit na pawis sa aking noo at leeg. Ang itim kong t-shirt at isinuot na mahabang medyas sa mga braso ay nagmukhang nabasa ng tubig. Malakas na malakas ang kabog ng aking dibdib.

(Itutuloy)

ni Rey Atalia

About hataw tabloid

Check Also

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

THE Department of Science and Technology (DOST) and the Wadhwani Operating Foundation have signed a …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *