Friday , November 22 2024

Sa Daigdig ng mga Engkanto (Part 18)

BANGKAY NA SI JONAS NANG KANILANG MATUKLASAN … ISANG PLANO ANG NABUO

Sinita agad ni Zaza ang roomboy: “Manong, inookupahan ‘yan ng mga kasama namin.”

“Utos po ni Manager na buksan ko, e.”

“Ma’m, d’yan po kasi nagmumula ‘yung masansang na amoy…” pangangatwiran ng matabang lalaking nagpakilalang manager ng establisimento.

Nang mabuksan ang pinto ng silid na ino-okupahan nina Roby at Jonas ay nagkandaduwal-duwal sina Joan, Zabrina at Zaza. Matin-ding baho ang songaw na nanggagaling sa loob niyon.

“P-Patay! M-may naaagnas nang bagkay dito sa ilalim ng kama,” ang sigaw ng roomboy na nag-inspeksiyon sa kwarto ng motel.

Nagimbal sina Joan, Zaza at Zabrina pagkakita sa bangkay ni Jonas: wakwak ang leeg at dilat ang mga mata.

Nang gabing ‘yun ay mabibilang sa daliri ang mga kostumer ng videoke bar. Mas marami pa ang mga nakapangalumbabang GRO sa bakanteng mesang teybolan.

Naupo sina Joan, Zaza at Zabrina sa isang sulok ng videoke bar. Pineapple juice lang ang inorder ng tatlo sa hihikab-hikab na serbidora.

“Matandaan mo sanang lahat ang mga itinagubilin ko sa ‘yo kanina,” banggit ni Joan kay Zaza.

“Tanda ko po ang lahat…” tango nito sabay pagpapakita sa sandakot na asin na na-kabilot sa puting panyo.

Mag-aalas dose na sa relong pambisig ni Joan.

Darating kaya rito ang hinihintay natin?” naitanong niya kay Zaza.

“Maghintay-hintay pa po tayo…” aniya sa nanay ng nobyo.

Bago mag-ala una ng madaling araw ay nagdesisyon si Zaza na lumipat sila ng ibang lugar nina Joan at Zabrina.

“Mas gusto siguro ng mga engkanto ang mga matataong lugar,” aniya sa mag-ina.

“Okey, tena…” pagsang-ayon ni Joan.

Sa isang parke nagpunta sina Joan, Zaza at Zabrina. Dinatnan nila roon ang mga kabataang babae at lalaki na nagkakatuwaan sa pagsasagawa ng iba’t ibang laro. May mga nagba-bike. May mga nagsasayaw ng pasirko-sirko. May mga naghahagisan ng bola. At mayroong naghahabul-habulan din. (Itutuloy)

ni Rey Atalia

About hataw tabloid

Check Also

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

THE Department of Science and Technology (DOST) and the Wadhwani Operating Foundation have signed a …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *