NAGLAAN ang Palasyo ng P750 milyon para sa anim buwan na implementasyon ng Scale Insect Emergency Action Program laban sa peste ng niyog o “cocolisap.”
Sa press briefing sa Palasyo, sinabi ni Presidential Assistant on Food Security and Agricultural Modernization Francis Pangilinan, kaya hindi agad nabuo ang formula sa pagsugpo ng peste ay dahil bago ito at posibleng nakapasok sa bansa sa pamamagitan ng mga dumating na ornamental plants sa mga pantalan sa Batangas.
Binigyang diin ni Pangilinan, 60% ng cococonut exports sa buong mundo ay mula sa Filipinas kaya’t napakahalaga ng industriyang ito na kumikita ng bilyong dolyar.
Kaugnay nito, inihayag niya na walang state of emergency na idinedeklara sa Calabarzon kundi ang Executive Order 169 ay para sa pagpapatupad ng emergency measures laban sa kulisap. May nakakasa aniyang livelihood programs para sa mga magsasakang apektado ng peste. (ROSE NOVENARIO)