Sunday , December 22 2024

P1-M multa vs kolorum, tama lang ba?

TAMA lang ang plano o desisyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na taasan ang multa para sa mga kolorum na pampasaherong sasakyan.

Iyan ang karamihan sa natanggap natin na reaksyon mula nang pumutok ang isa sa paraan ng LTFRB para maubos ang kolorum sa lansa-ngan.

May mga nag-text din na mali raw ang sobrang taas na multa dahil tataas lang daw ang ulo ng mga tiwali sa lansangan – tataas ang kotong sa mga kolorum.

Well, inirerespeto ko ang bawat komentong ito pero, heto lang ang masasabi ko sa mga kolorum: para hindi kayo makotongan e ‘di pumarehas kayo. Iyon lang ‘yun mga bro.

Lamang ang nagiging problema naman ng mga tumatakbong kolorum ay napipilitan daw silang mangolorum dahil sa hirap kumuha ng prangkisa sa LTRFB. Pahirapan at kailangan may kilala ka sa loob o may magandang panlagay.

Kung magkagayonman, dapat ay kumilos din ang LTFRB hinggil sa idinadahilan nito pero sa-pat ba na dahilan ng pangongolorum ang mabagal at pahirap na pagkuha ng prangkisa sa LTFRB?

Sa Hunyo 19 na ipapairal ang “multahan blues” – marahil sa araw na ito ay wala nang tatakbong kolorum. Sa laki ba naman ng multa.

Quoted ito sa isang pahayagan … “under the Joint Administrative Order of the LTFRB and DOTC, which will take effect on June 19, co-lorum bus operators will be fined P1 million; truck and van operators, P200,000; sedan operators, P120,000; jeepney owners, P50,000; and motorcycle operators, P6,000.”

Wow! Ang laki at ang bigat nga nito sa bulsa. Hindi biro ang multang ipapataw. Buti nga multa lang e, ang dapat multa at kompiskasyon daw ang gawin, sabi ng isang texter. Tutuluyan ang bus at hindi na ibabalik sa operator para talagang mawawala na ang kolorum.

Naku ‘wag naman iho…napakamahal kaya ng sasakyan at karamihan ay ipinangutang o loan lang iyan.

Ano pa man, hindi natin masisisi ang LTFRB sa panibago nilang alituntunin laban sa kolorum. Bakit? Hindi lang naman kasi pagpapaluwag ng lansangan ang hakbangin ng LTFRB sa giyera nilang ito kundi ang isa sa nais na masolusyonan ng ahensya ay ang pagbaba ng aksidente.

Hindi po ba karamihan sa mga nasangkot sa aksidente o disgrasya, mga kolorum na sasak-yan? Ilan nang buhay ang kinitil ng mga kolorum?

Hindi naman tayo galit sa nangongolorum pero tingnan naman natin ang kabilang mukha ng coin.

Oo marangal na hanapbuhay ang mapapa-sada. Saludo ako sa inyo diyan, hindi tulad ng ilang pulis na nabubuhay sa pangongotong. Lamang mayroon po tayong sinusunod na batas kaya para hindi kayo maging ‘biktima’ ng napakamahal na multa na ipapairal na sa susunod na linggo o makotongan nang makotongan ng mas malaki o mataas na ngayon, aba’y mag-isip-isip na kayo. Oo nga pala, nananawagan ako sa LTFRB. Napakarami rin kolorum na van na bumibiyaheng Batangas mulang Pasay. Maging dito sa San Mateo biyaheng Manila, Ayala at iba pa.

Marami rin kolorum na jeep na pumipila sa Ever Gotesco, Commonwealth Avenue, Quezon City. Paki-aksyonan ito LTFRB.

Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *